^

PSN Opinyon

Na kay Juan dela Cruz lagi ang pag-iwas at pag-iingat!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KALIWA’T kanan ang babala ng National Telecommunications Commission hinggil sa pagkalat ng mga peke o counterfeited cell phones sa merkado.

Ilang beses na ding nagbabala ang BITAG sa espas­yong ito na mag-ingat sa pagpili at pagbili upang hindi maloko ng mga tindahang nais kumita kahit na manloko ng mamimili.

Ang ilang kababayan natin, tumugon at marami nang nag-ingat. Subalit nakakalungkot na ang ilan, alam na ang dapat iwasan sumugal pa rin sa kanilang kagustuhan.

Isang email ang natanggap ng BITAG kung saan ang kan­yang reklamo ay pagkakabili sa isang peke o counterfeit      N95 Nokia Cellphone.

Ang kanyang pagkakaiba sa ibang nabiktima, alam niya ang estado ng produkto na kanyang binili subalit pinili pa rin niya ang mabiktima. Kumbaga, isa siyang willing victim sa pangyayari.

Narito ang ilang bahagi ng kanyang liham na ipinadala sa aming email address na [email protected]:

Nakabili po ako ng Nokia N95 china phone. Ayun naman po talaga ang binili ko sir,  isinwap ko yun dati ko telepono na Nokia N6680 at nagbayad pa ako ng additional cash na 4500. Naengganyo ako mapapalitan yung cp ko nung naluwas ako sa Manila. Ang nangyare po kase sa cp na nabili ko bigla po kase nagsa-shutdown at ayaw po gumana’ yung ibang mga features. Nung nagte-text ako sa na baka maari e palitan yung cp na binili ko dahil nga nagloloko hindi na po sila nagtext sa akin. Wala din po tatak ng NTC yung cp na nabili ko at masyado atah nila ako nabola nun at nagtiwala kaya di na ako nagtanong about dun sa cp...sana po matulungan nyo ako marami pong salamat.  (name & email ad withheld)

Uulitin muli ng BITAG ang aming babala, huwag na huwag tumangkilik ng mga peke o counterfeit o mas kilala ngayon sa bansag na china phones o china mobile na cellular phones.

Bali-baligtarin man natin ang mundo subalit ang  hubo’t-hubad na katotohanan sa likod ng ganitong mga uri ng produkto, maliit ang tsansang magamit mo sila ng maayos at normal.

Maaaring nakuha mo ang sikat na produkto sa murang halaga lamang subalit kapalit naman nito ay problema at sakit sa ulo. Aanuhin mo naman ang pumorma kung isa ka na ngayong biktima?

Nasa BITAG at may kapangyarihan ang babala, na kay Juan dela Cruz lagi ang pag-iwas at pag-iingat nang huwag basta-basta mabiktima.

AANUHIN

AKO

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

NOKIA

NOKIA CELLPHONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with