^

PSN Opinyon

Congrats, Jinggoy at sa mga pinarangalan sa Manila Film Festival!

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ni President Erap ay lubos na natutuwa at nagpa­pasalamat na ang aming panganay na anak na si Senate president pro tempore Jinggoy Estrada ay binigyan ng parangal bilang Best Actor para sa kanyang pelikulang “Katas ng Saudi” sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang Katas ng Saudi, na produced ng Maverick Films, ay ginarawan din ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, at Best Screenplay Award din para kay Director Jose “Joey” Javier Reyes.

Buhay-na-buhay ang pagganap ni Jinggoy sa kanyang papel sa pelikula bilang si Oca Dimaano, isang OFW na sampung taon nagtrabaho at nagsakripisyo sa Saudi para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.

Ang pelikula at parangal na ito ay talagang “dream come true” para kay Jinggoy dahil napakamalapit sa kanya ng istoryang ito at ng kanyang role sa pelikula. Ito ay napagtibay pa ng kanyang pagsisilbi bilang chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Re­sources Development at ng Joint Congressional Over­sight Committee on Labor and Employment.

Napakahusay ng ginawang pag-handle sa kanya ni Direk Joey na napalabas ang todong acting ni Jinggoy, at siyempre, sa tulong din ng kanyang mga kasama sa pelikula sa pangunguna ni Lorna Tolentino na gumanap bilang kanyang asawa.

Ang mga parangal na ti­nanggap ni Jinggoy at ng “Ka­tas ng Saudi” ay maitu­turing na malaking bonus pa sa ta­gumpay ng pagsasa­publiko ng makabuluhang mensahe tungkol sa kalaga­yan at sakri­pisyo ng mga OFW, na naiha­tid ng pelikula sa paraang nakaaaliw, nakali­libang at nagbibigay ng impor­masyon, gayundin sa tagum­pay ng muling pag­buhay sa industriya ng peli­kulang Pilipino.

Muli, congratulations, Jing­goy, at sa lahat ng iba pang pinarangalan at naging bahagi ng 2007 MMFF.

* * *

Para sa mga kababayan nating naghahanap ng ser­bisyo publiko, maaari kayong lumiham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin na hindi po matutugunan ang mga soli­citation letter.

 

ANG KATAS

BEST ACTOR

BEST SCREENPLAY AWARD

DIRECTOR JOSE

DIREK JOEY

JINGGOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with