Masasamang umpisa
PURO sunog ang sumasalubong sa atin ngayong 2008. Mga ilang araw bago magbagong taon, may mga nasunog dahil sa mga paputok. Ngayong Bagong Taon, nasunog ang Parola compound sa Maynila, mga bahay sa Taguig, at kamakalawa lang, nasunog ang isang mall sa Baclaran. Alam ko mga Marso pa sunud-sunod ang sunog sa Metro
Isang eroplano naman ang sumadsad sa
At ang laman ng halos lahat ng pahayagan at usapin sa radyo ang maaaring pagtakbo bilang pangulo muli ni dating President Joseph Estrada sa 2010. Bagama’t itinatanggi niya ito, panay naman ang udyok ng mga nasa kampo at paligid niya. Sa dami naman kasi ng mga taga-oposisyon na tatakbo, baka wala na naman mangyari sa kanila. Kaya nais ng ilan na tumakbo si Erap para maging isa ang oposisyon. Kung magiging isa ang oposisyon! Matatandaan ninyo na tila nahati ang oposisyon noong 2004 nang tumakbo si Sen. Ping Lacson, kahit si FPJ na ang pinili ng oposisyon para tapatan si GMA. Marami ang nagsasabi na nahati ang boto ng oposisyon dahil dito, at nakalamang si GMA. Paalala naman ng Malacañang kay Erap na bahagi ng pagpapatawad sa kanya ang pangako niya na hindi na siya mamumulitika. Eh madali makalimot ang Pilipino di ba?
Kaya ayan ang mga pasimula ng 2008.
Maraming Pilipino ang puno ng pag-asa para sa taong ito.
- Latest
- Trending