^

PSN Opinyon

Nueva Vizcaya Gov. Cuaresma ba’t pumapayag kang laruin ni Sr. Supt. Segundo Duran?

- Bening Batuigas -

NAGBABANTA si Sr. Supt. Segundo Duran, hepe ng Nueva Vizcaya PNP provincial command na papatayin niya ang sinumang negosyante na sa tingin niya ay nasa likod ng pagbubulgar ng negosyo ng tropa niyang illegal logging. Malakas ang suspetsa ni Duran na may negosyanteng nagpondo para ibulgar ang illegal na gawain niya at mga tropang sina Amer Magallanes at Joseph Hernandez na dating pulis ng Bambang. Kaya habang nagngingitngit si Duran, takot na takot naman ang mga negosyante sa Nueva Vizcaya at ilan sa kanila ay nagbabalak nang lumikas, anang mga kausap ko. Pero sa pagkaalam ko hinihikayat ni Nueva Vizcaya Gov. Luisa Lloren-Cuaresma ang mga negosyante na pumasok sa Nueva Vizcaya eh bakit salungat dito ang ginagawa ni Duran? Kasama ba sa programa ni PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr., na Mamang Pulis ang pagbabanta ni Duran sa mga negos­yante? He-he-he! Mukhang sour graper si Duran eh maliwanag namang hindi pagseserbisyo ang nasa isipan niya kundi ang magkalaman ang kanyang bulsa, di ba mga suki?

Ayon naman sa sumbong sa akin, tuloy pa rin ang illegal logging operations ng tropa ni Duran. Ang mga kahoy ay galing sa Kasibu na bumababa sa Bambang at sa Barangay Masok naman bumababa ang troso sa Bayom­bong. Siyempre, inuulit ko na walang humaharang sa mga kahoy ni Duran dahil ang mga sasakyan ng PNP ang humahakot sa troso.

Kaya sa ngayon ang tropa ni Duran ang tagapag-supply ng kahoy sa lahat ng furniture makers sa Nueva Vizcaya, anila. Sa tingin naman ng kausap ko hindi mari-relieve si Duran sa kanyang puwesto dahil mahilig siyang maglagay ng mga narra na kasangkapan sa mga PNP officials sa Camp Crame.

Bakit tahimik si Cuares­ma at si Bayombong Bi-shop Ramon Villena sa malawakang illegal log- ging operations sa Nueva Vizcaya? Dapat din sigu­rong paimbestigahan ni Razon kung totoo na trak ng PNP ang ginagamit ng mga illegal logger para mahakot ang mga troso pababa ng bundok. Pero sinabi ng ka­usap ko na umaksiyon na­man si Cuaresma laban sa illegal na pasugalan nina Amer Magallanes at Joseph Hernandez sa Bambang.

Ipinasara ni Cuaresma ang mga pasugalan tulad ng pula’t puti, mahjong, pattu at drop ball. Kaya lang mukhang hindi pa suko si Amer Magallanes at Joseph Hernandez dahil inaayos nila ang Solano para doon ililipat ang mga pasugalan nila. Aba dapat bantayan  ito ni Cuaresma at baka mabulaga na naman siya. He-he-he! Kelan kaya ma­pupuno ang bulsa ni Duran? Ang lalim naman ng bulsa mo, Sir!

Bakit kaya pinapayagan ni Cuaresma na laruin lang siya ni Duran sa palad niya ang kalakaran sa probinsiya niya? Panahon na para ikumpas ni Cuaresma ang kamay na bakal niya laban kay Duran dahil sobrang gasgas na ang pangalan niya sa mga illegal ng tropa niya. Abangan!

vuukle comment

AMER MAGALLANES

BAMBANG

CUARESMA

DURAN

JOSEPH HERNANDEZ

NIYA

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with