^

PSN Opinyon

Final grade

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

HANGGANG sa pagtapos ng taon, hindi pa rin napapatid ang daloy ng masamang balita mula sa lahat ng sulok ng administrasyon. Itong huli ay ang Jalosjos scandal, ang pagpatay kay Batman Lintuan at kay Mayor Rafael, ang tangkang pagpatay kay Abra Rep. Cecilia Luna, at ang massacre sa SEA games.

Para bang naghihintay na lang tayong matapos na ang 2007 -– isa na namang annus horibilis –- at baka may mas magandang balita sa 2008. Kung ako ang tatanungin, wala tayong maaasahan habang hindi binabago ng administrasyon ang ugaling sunud-sunuran sa mga interes na bumubuhay sa kanila. Imbes na unahin ang kapakanan ng nakararami.

Paano titigil ang Palasyo sa pagbigay ng “shopping bag” sa mga congressman kung ang mayorya nito’y nag­sisilbing kalasag laban sa kinatatakutang impeachment? Paanong hindi titigilan ang paghirang ng miyembro ng Gabinete na walang pag-asang pumasa sa Commission on Appointments kung ito lamang ang paraan upang makapagtago sa bestida ng “executive privilege” para hindi maisambulat ang mga sekretong nalalaman?

Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan –- a public office is a public trust -– ito ang turo ng ating saligang batas at ng ating mga tradisyon. Ang mga pinuno at mga kawaning pambayan ay kinakaila­ngang mamalaging nananagutan sa taumbayan. Subalit papaano mangyayari ito kung wala namang tinatanaw na utang na loob sa bayan ang nanunungkulan? Kung sa halip ay ang puwersa at salapi ng kagrupo ang dinidiyos?

Mismong ang mga kadikit ng Presidente tulad ng pahayagang Manila Times ay umamin na “most disliked and distrusted President in Philippine History” si GMA. Ano man ang ginamit niyang paraan upang mailuklok sa puwesto, malinaw na ngayon ang kanyang pagpipilian: kung gusto niya talagang makatulong at maalala bilang isang Presidenteng hina­nga­an at pinagkati­walaan, dapat lang na tali­kuran na niya ang mga ta­nikala ng pribadong interes at gamitin ang kan­yang ka­pangyarihan para sa ka­butihan. Andyan na siya. At kakaunti na lang ang nati­tirang panahon.

Kung hindi ay sigurado na ang puwesto niya sa kasay­sayan – Presidente na hindi hinalal at hindi minahal. At ito ang kanyang Final Grade.

ABRA REP

BATMAN LINTUAN

CECILIA LUNA

FINAL GRADE

KUNG

MANILA TIMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with