Sige pa, Gen. Razon at Gen. Rosales
EPEKTIBO ang programang “Mamang Pulis” ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Avelino I. Razon. Bumaba ang kriminalidad sa buong bansa. Wa-lang oras na sinayang si Razon sa paglilibot sa lahat ng rehiyon para hilingin ang suporta ng mga local official.
Eh, sa totoo lang mga suki! hindi naman talaga kakayanin ni Razon na suportahan ang lahat ng pangangailangan ng kapulisan dahil kakarampot lamang ang budget ng PNP. He-he-he! Kaya’t karamihan sa mga patrol cars ng pulisya ay pawang bigay lamang ng mayors.
Nagbunga ang pakikidayalogo ni Razon sa mga local official at maging sa mga mamamayan dahil bumaba ang bilang ng patayan at nakawan. Marami na rin ang bilang ng mga tiwaling pulis ang inalis sa serbisyo at may ilan pa ang nasa hot water sa kasalukuyan matapos mabu king ang pang-aabuso.
Sa Maynila naman ay taas noong ipinagmalaki ni Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales na umabot sa 297% ang itinaas ng kanilang huli sa illegal drugs.
Layunin ni Rosales na maging drug free ang Maynila kaya kaliwa’t kanan ang pagtugis sa mga drug pushers at users bilang suporta sa kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim.
“Kung walang pushers wala ring users, maiiwasan natin ang paglaganap ng krimen, dahil ang ugat ng kri minalidad ay pawang galing sa illegal na droga” Ito ang naging tugon ni Rosales ng aking kapanayamin.
Ayon pa kay Rosales mula umano ng siya’y manungkulan noong Sept. 24 ng taong ito ay umabot sa 190 pushers at mahigit sa 500 users ang kanilang naipakulong kumpara sa 48 pushers at 300 users na huli ng kanyang pinalitan sa MPD. He-he-he! Paano nga naman ipagbabawal ni Rosales sa lahat ng kanyang mga tauhan ang pagbangketa sa mga huli sa droga. Get n’yo mga suki!.
Pinalutang na rin ni Rosales ang ilang pulis na matagal nang nakalubog at ginamit ito sa pagpapatrul-ya sa kalye kung kaya’t kapansin-pansin na maraming pulis kayong makikita sa mga lansangan. Lalo pang pinalakas ni Rosales ang pagpapatrulya sa mga lansangan sakay ang mga pulis at sundalo ng Philippine Army gamit ang mga bagong mobile car na bigay ni Lim upang tugisin ang mga kriminal.
Magaling talaga si Rosales dahil nakuha niya ang buong suporta ni Mayor Lim na mapunuan ang kakulangan ng kanyang kapulisan upang maisakatuparan ang kautusan ni General Razon. Saludo ako riyan mga suki!.
Sige Gen. Razon, pag-ibayuhin mo pa ang pakikipagdayalogo sa mga local official upang madagdagan pa ang suporta ng inyong kapulisan ng sa hinaharap ay makamtan ng sambayanan ang matahimik at mapayapang lipunan.
- Latest
- Trending