EDITORYAL — Kampanya sa paputok na hindi pumapatok
MAY panibagong banta na naman ang Philippine National Police (PNP) at maaaring hindi na naman ito maipatupad. Paano’y ang pagbabanta na naman laban sa illegal na paputok ang kanilang isusulong ngayong Pasko at Bagong Taon. Noong nakaraang taon ay ganito rin ang banta ng dating PNP chief na si Gen. Oscar Calderon laban sa mga illegal na paputok pero marami pa rin ang naputukan at nasugatan.
Sabi ni PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr. matindi ang gagawin nilang kampanya sa illegal na paputok sapagkat pipilitin nilang maging “zero casualty” ngayong taong ito. Inorder na umano niya sa kanyang mga commander na paigtingin ang paghahanap at pagkumpiska sa mga illegal na paputok. Hindi raw sila titigil hangga’t hindi nakukumpiska ang mga illegal na paputok na sa kasalukuyan ay nagsisimula nang lumaganap habang papalapit nang papalapit ang Pasko at Bagong Taon. Ayon sa guidelines na ipinalabas ng Firearms and Explosives Divisions ng PNP, ang firecrackers ay hindi hihigit sa .02 grams ang gunpowder at nararapat sumabog nang hindi kukulangin ng tatlong segundo at hindi naman hihigit ng anim na segundo makaraang sindihan. Ang mga ipinagbabawal na firecrackers ay ang pla-pla, Super Lolo at bawang.
Taun-taon ay may kampanya sa paputok at taun-taon din ay tumataas din ang bilang ng mga napuputukan at nasusugatan. Noong nakaraang taon (
“Zero casualty” ang hangad ng PNP ngayong taon.
- Latest
- Trending