Pagtanim ng jatropha para sa dagdag-kita
ANI PNOC-Alternative Fuels Corp. president Peter Antony Abaya, anim na milyong ektarya sa Pilipinas ang idle. “Bumiyahe ka lang mula Tarlac hanggang Isabela,” aniya tungkol sa mga walang patid na bakanteng kapatagan at kalbong kabundukan. Mas marami pang ganyan sa
Hindi tulad ng mais or tubo na pinuputol sa pag-ani, minsan lang itatanim ang jatropha. Kahit anong klaseng lupa, mataba man o tigang, at terrain, patag man o bangin, ay maaring tubuan. Miski seasonal rains lang, yayabong na ang puno. Pero ani AFC general manager Clovis Tupaz, mas mabuti kung didiligan sa unang taon, at lagyan ng pataba.
Sa ikawalong buwan pa lang, magbubunga na ang jatropha ng nut na may 35% oil. Maari nang anihin. Magiging hitik ito nang 50 taon, mula sa ikatlo o ikaapat na taon.
Naghahanap ang AFC ng mga samahang magsasaka na merong bakanteng 3,000 hanggang 5,000 ektarya. Tatayuan nila ito ng seed nursery na, sa simula ay magbibigay ng libreng buto na itatanim. Magtatatag din ng oil expeller at refinery. Dito, bibilhin ng AFC ang ani na jatropha nuts nang P3.50 per kilo. Kakatasin ang langis ng jatropha at idadala sa refiners.
Kausap na ng AFP si Quezon Gov. Raffy Nantes. Bumubuo siya ng 100,000 ektarya para magkaroon ng unang jatropha seed center sa Quezon sa first quarter ng 2008. Sa Quezon naka-base ang dalawang pinaka-malaking gawaan ng coco-biodiesel: Chemrez at Senvel. Pero dahil maaring kapusin ang supply ng niyog para gawing coconut methyl ester — maganda kasi ang presyo ng kopra ngayon sa $1,000 per metric ton — naghahanda na ang probinsiya. Jatropha ang gagawing panghalo sa diesel, na inobliga ng Biofuels Act.
* * *
Para sa karagdagang kaalaman, tignan ang www.pnoc-afc.com.ph. Magkakaroon na rin ng Internet central library sa darating na taon.
- Latest
- Trending