Dobleng saya sa tagumpay
MASAYA ako na naging matagumpay ang lakad ni GMA sa
Sinabi ng Emir na hindi talaga siya nakikialam sa judicial process nila, ngunit dahil sa pakiusap ni GMA, nag-decision siya na hindi na niya pipirmahan ang writ of execution, ang pormal na dokumento na mag-uutos na sana sa pagbitay kay Marilou.
Malinaw sa sinabi ng Emir na kung hindi nakiusap si GMA sa kanya, maaaring pipirmahan na niya talaga ang writ, dahil siya na rin ang nagsabi na hinahayaan niya lang ang judicial process. May decision na kasi ang korte na bitayin na si Marilou, at dumaan na sa process nila.
Tila nagkaroon ng “Solomonic” wisdom ang Emir sa kanyang dagdag na sinabi na kung pumayag pa ang ibang kamag-anak ng biktima na patawarin si Marilou, maaari pa niyang babaan ito ng hatol. Marahil ang ibig niyang sabihin ay bibigyan niya ng pardon si Marilou, ngunit ayaw niya namang magpatali sa kanyang salita.
Sa gitna ng lahat na ito, huwag nating kalimutan na hindi pa tapos ang laban hanggang makauwi ng buhay si Marilou. Huwag din natin kalimutan ang tulong na ibinigay ng Migrante International.
Masaya rin ako na naging matagumpay ang 6th anniversary ng OFW Family Club noong nakalipas na Biyernes. Nagpapasalamat ako sa lahat ng dumalo, sa mga sponsors at sa mga volunteers, kabilang na ang mga abogado, doctor, dentista at ang mga talents sa show.
Dahil sa tagumpay ng anniversary, naisip ko nang magkaroon din ng midyear reunion ang Club, upang mas madalas pa tayong magkita, at makapagbigay ng tulong sa lahat, sa pamamagitan ng job fair, legal assistance, medical mission at dental services.
* * *
Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail: [email protected]. Text: 09163490402.
- Latest
- Trending