^

PSN Opinyon

Piyesta ng pirata

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG pinakamalaking talo sa bangayan nina Sen. Ramon Revilla, Jr. at Optical Media Board (OMB) Chair Eduardo Manzano ay ang kampanya mismo laban sa Intellectual property piracy. Masdan ang latest na side-effect ng away: Tinanggal ng Senado ang budget ng OMB. Kung hindi mababago sa Conference Committee ang naging pasya ng Senado, ang suma total ng salaping makukuha ni Edu sa Gobyerno sa taong 2008 ay P0.00.

Lubhang dinibdib na ng dalawang dating magkaibigan ang kanilang iringan. Si Sen. Revilla ay kikilos pa rin daw na mabalik sa OMB ang tinanggal na budget (P25.2 million) sa kabila ng patuloy na panghamak nito sa liderato ni Manzano. Kahit pa “nabastos” daw ni Edu ang institusyon. At hindi rin naman tumiklop si Chairman ­— ok lang daw at hindi naman kailangan ng ahensiya ang hininging halaga. Siguro masasagot na ang panga­ngailangan sa kinikita nito sa ibang sources. O baka didiretso na lang sa discretionary fund ng Palasyo.

Ayon kay Senate Pres. Manny Villar, tinanggal ang budget dahil hindi raw masaya ang Senado sa “per­formance” ng OMB — wala naman daw nabibihag na “malaking isda” at patuloy ang malayang operasyon ng mga pirata. Sa katunayan, mula pa raw 2001 ay hindi na natanggal ang Pilipinas sa Priority Watch List ng US Trade Representative bilang isa sa mga pinakamalala ang pamimirata.

Kung ito nga ang dahilan ng Senado, sana’y mag­dalawang isip. Bakit isisisi sa OMB ang pa­tuloy na pagkalat ng pirata? Ang paghuli ng pirata at pag­pa­kulong nito ay pangu­nahing obligasyon pa rin ng ating mga pulis at hu­kuman. Bagamat binig­yan ang OMB ng ka­pangyarihan ng ba­tas (R.A. 9239) na mag-ins­peksyon at mangumpiska ng mga disc at epektos ng pag­pirata kahit wala silang warrant, hindi pa rin ganun kasimple ang kanilang trabaho. Higit na malalim ang ugat ng prob­lema ng piracy — ang pinakamatindi pa rin dito ay ang kawalan ng pag-unawa ng lipu­nan. Sa bagay na ito tila may madadampot pang buti sa Bong vs Edu — at least mabi­big­yan ng mahalagang publisidad — kahit ne­ga­tibo — ang kam­­panya laban sa pi­rata. Anumang publisidad ay makadaragdag sa ka­alaman ng bansa sa salot ng Piracy of Intellectual Property.

CHAIR EDUARDO MANZANO

CONFERENCE COMMITTEE

EDU

MANNY VILLAR

OPTICAL MEDIA BOARD

PIRACY OF INTELLECTUAL PROPERTY

PRIORITY WATCH LIST

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with