Tunay na Maligayang Pasko
NAGING tunay na Maligaya ang Pasko para kay Marilou Ranario nang ibaba ng Emir ng
Madalas mabalitaan ang sinasapit ng ating mga bagong bayani sa kamay ng mga amo nila sa ibang bansa. Nandyan na ang mga pang-aabuso, pananakit, malupit na pagtrato, panggagahasa at sa ilang pagkakataon, pagpatay pa sa mga OFW. Maaalala si Flor Contemplacion na hindi na nagawan ng paraan na maisalba sa parusang kamatayan. Maraming kababayan ang nakararanas ng pang-aabuso ng kanilang dayuhang amo at madalas na hindi napaparusahan ang mga nang-aabuso. Kaya tama lang na hindi bitayin si Marilou Ranario at kung maaari bawasan pa ang taon ng kanyang pagkakabilanggo. Hindi pa tapos ang pagtutok sa kaso ni Ranario ngunit malaking hakbang na hindi na siya mabibitay.
Nagpahayag din ang Emir na hindi siya talaga nakikialam sa mga desisyon ng hukuman. Pinagbigyan lang niya si GMA dahil personal na umapila sa kanya. Dito sa Pilipinas, madalas mangyari ang pakialaman sa mga ibang bahagi ng gobyerno. Kelan lang ay naging kontrobersyal naman ang pagpapatawad mismo ni GMA sa ilang mga sikat na bilanggo. Kasama na rito si dating President Joseph Estrada at si Pablo Martinez, isa sa mga nahatulan kaugnay sa pagpatay kay Ninoy Aquino. Parehong nakatanggap ng batikos si GMA para sa ginawang pagpapatawad. Isa sa mga isyu ay ang katunayan na marami pang puwedeng patawarin, lalo sa dahilang lampas 70-anyos na, pero hindi man lang pinag-aaralan ang mga kaso nila. Lumalabas na pinipili ang mga binibigyan ng patawad. Hindi dapat ganyan. Pag-aralan dapat mabuti ang mga gustong mabigyan ng pagpapatawad at hindi lang mga indibidwal na sikat, o magpapabango sa imahe ng Presidente
- Latest
- Trending


















