^

PSN Opinyon

Delicadeza sana, Justice de Castro

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMI ang nadismaya sa pag-alok ng posisyon kay dating Sandiganbayan Special Division Presiding Justice Teresita Leonardo de Castro na maging Supreme Court Associate Justice, lalo na nang tinanggap niya ang posis­ yon.

Marami tuloy ang naniniwala na pabuya kay De Castro ang posisyon dahil sa pangunguna niya sa pag-convict kay President Erap noong nakaraang Setyembre.

Kami ni President Erap at ang panganay naming anak na si Senate president pro tempore Jinggoy Estrada ay kumu­kuwestyon sa tiyempo ng appointment ni De Castro.

Noon pa mang nalalapit ang panahon ng paghahatol ng Sandiganbayan sa kaso ay umugong na ang impor­masyon tungkol sa umano’y nakalaang promosyon o malaking pabuya para sa mga magko-convict kay President Erap. Ang Sandiganbayan Special Division naman kasi ay nilikha para lang i-convict si President Erap. Sabi nga ni Jinggoy, lalong tumibay ang impormasyong ito dahil sa appointment ni De Castro.

Maaaring qualified si De Castro sa posisyon sa Korte Suprema pero sana nagpakita siya ng kahit kaunting deli­cadeza at hindi niya tinanggap ang appointment.

Dahil dito, hindi maaalis sa isipan ng publiko na may umiiral na bigayan ng premyo sa paghatol sa ilang mga kaso sa mga hukuman laluna’t may pattern na pagkatapos ng mga kontrobersyal na kaso ay naililipat sa mataas na pu­ westo ang mga naggawad ng hatol pabor sa nais ng Malacañang.

Ang tanong ngayon ng taumbayan: Ano namang mataas na posisyon ang nakalaan kina Justices Francisco Villaruz Jr. at Diosdado Peralta na nag-convict kay President Erap?

ANG SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

DE CASTRO

DIOSDADO PERALTA

JINGGOY ESTRADA

JUSTICES FRANCISCO VILLARUZ JR.

KORTE SUPREMA

PRESIDENT ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with