Sige, Gen. Boysie Rosales ituloy mo pa!
KARAMIHAN sa mga motorista na napapadaan sa kahabaan ng
Walang sinasanto ang mga tauhan ni Supt. Roberto dela Rosa, hepe ng MPD Traffic. Kahit sasakyan pa ng pulis ay hinahatak at dinadala sa impounding area sa Port Area.
Lalong lumuwa ang mga mata ng mga motorista ng kanilang makita ang mga bagong mobile car na nakaparada sa harapan ng MPD headquarters. Magiging mabilis na umano ang responde ng kapulisan sa pangangailangan ng Manilenyo.
Ang 60 bagong mobile cars ay bigay umano ni Manila Mayor Alfredo Lim at ang 10 naman ay nai-donate ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce Inc., bilang tugon sa pangangailangan ng MPD. Sana mabigyan din sila ng panggasolina at base radio upang magamit na sa pagpapatrolya. Di ba mga suki?
Paano nga naman magagamit ang mga bagong mobile car kung walang panggasolina. Ayon kay Supt. Bernardo Diaz, hepe ng District Mobile Force (DMF) nangangailangan sila nang humigit-kumulang 966 liters ng gasolina para sa 138 mobile cars araw-araw. Kung susumahin aabot sa P3-milyon isang buwan, he-he-he! Malaking halaga ito mga suki. At sa palagay ko, hindi ito matutustusan ni Rosales dahil kakarampot lamang ang budget ng MPD.
Ayon naman kay Rosales ng aking interbyuhin, nag-pledge na si President Gloria Macapagal-Arroyo ng P2-milyong pang-gasolina. Ngunit kulang pa ito ayon kay Rosales kaya nagbabakasali siyang lumapit sa mga businessmen at mga pulitikong bukas ang mga palad sa pagtulong sa kapulisan ng Maynila. Hindi naman nabigo si Rosales ng personal na magtungo sa kanyang tanggapan si Mr. Lee. chairman ng Filipino-Chinese Business Club at nagbigay ng 10 hand held radio bilang paunang biyaya, he-he-he!
Habang naghihintay si Rosales sa biyayang ipagkakaloob ng mga negosyante ay patuloy naman ang kanyang pagpapagawa ng MPD Building. Pinag-aaralan din ni Rosales ang paggamit ng solar energy bilang alternatibong pagmumulan ng enerhiya sa buong headquarters upang makatipid ng milyong piso buwan-buwan. Aba, pagnagkatotoo ang plano ni Rosales, malaki ang matitipid ng PNP. Di ba mga suki?
Unti-unting nagniningning ang gusali ng MPD sa partial renovation ni General Rosales at nabubuhay na ang imahe ng kapulisan. Talagang magaling si Rosales sa pagmintina ng kanyang teritoryo, he-he-he! Ipinakita lamang ni Rosales na kaya niyang ibalik ang masiglang anyo ng MPD matapos niyang palutangin ang mga tamad na pulis o yaong tinaguriang 15/30.
Abangan!
- Latest
- Trending