^

PSN Opinyon

Nakaplano ang ginawa nina Trillanes at Lim

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

BIGLANG nag-walkout habang naghi-hearing ng kani-kanilang kaso sina Sen. Antonio Trilla­ nes at dating Scout Ranger chief Brig. Gen. Da­nilo Lim. Tinakasan nila ang Makati City Regional Trial Court at nagmartsa sa Makati Ave­nue saka tumuloy at naglungga sa Manila Peninsula kasama sina dating Vice President Teofisto Guingona, Bishops Antonio Tobias at Julio Laba­yen. Tinatayang 30 sundalo ang su­mama sa kanila.

Hiniling nila ang pagbibitiw ni President Arroyo. Hindi na raw ito dapat pagtiwalaan dahil maraming kasalanan sa bansa at mamamayan.

Matindi ang pagkamuhi nina Lim at Trillanes kay President Arroyo kahit marami na ang mga namagitan na hintuan na ang pakikipaglaban sa gobyerno. Noong 2003, kinubkob ni Trillanes ang Oakwood Hotel samantalang si Lim ay pina­munuan ang mga opisyal at sundalo ng Philippine Marines noong Feb. 2006 kaya pareho na silang nahaharap sa mga kaso ng kudeta.

Walang supporters ni Trillanes ang dumating sa hotel. Nang wasakin ng tangke ang entrance ng hotel at pasabugan ng  teargas ay parang mga daga silang nabulabog. Sumuko rin sila. Dinala sina Trillanes at Lim sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Palagay ko ang kanilang ginawa ay talagang nakaplano. Sanay sa estratehiya at psychological warfare sina Trillanes at Lim at ang kanilang mga kasamahan. Palagay ko rin umpisa pa lamang ang lahat — may susunod pang mangyayari.

ANTONIO TRILLA

BISHOPS ANTONIO TOBIAS

CAMP BAGONG DIWA

JULIO LABA

MAKATI AVE

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

PRESIDENT ARROYO

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with