^

PSN Opinyon

Anomaly sa PCGG tumitindi

- Al G. Pedroche -

KAMAKAILAN, napabalita ang isang kaso ng katiwalian sa Presidential Commission on Good Governments (PCGG).  Ito ay hinggil sa hindi maipaliwanag na cash advances ni PCGG Chair Camilo Sabio na umaabot sa halagang P10-milyon sa loob lamang ng siyam na buwan.

Ang nagbunyag nito ay si  PCGG Commissioner Nicasio Conti na nagprisinta pa ng mga dokumento upang patunayan ang kanyang alegasyon.

Alam n’yo ba ang nangyari kasunod nito? Kung hindi pa, ganito yon: Nagpatawag nung Martes ng press conference si Sabio upang ipaalam sa publiko na patatalsikin niya si Conti. Ha!?

Tsk, tsk..tila umaalingasaw ang pangyayaring ito ha. Kung sino ang nagbulgar ng baho ay siya ngayong sisipain. Sa totoo lang, sinisiyasat ang PCGG dahil sa ibinunyag na iregularidad. Iyan din ang dahilan kung bakit iniutos agad ni Presidente Arroyo na ipailalim muna sa Department of Justice ang PCGG. May utos din si DOJ bossman Raul Gonzalez kay Sabio na tigil ang ano mang pagpapahayag sa media hinggil sa usaping ito. Tila ito lang si Sabio ang hindi kayang sindakin ni “Lion King” Gonzalez ha? Ano kaya ang secret ng lakas ng loob ni Sabio.

Kung pagiging seryoso sa pagpuksa sa corruption, hindi matatawaran ang sinseridad ni Conti. Matatandaan na dahil sa inihanda niyang programa ng gobyerno laban sa corruption na nagsimula noong 2005, pinuri na community of nations ang Pilipinas. Kasama ni Conti sa pagbalangkas ng anti-graft program ang mga bantog at malalaking negosyante sa bansa. Katunayan, madalas maimbita si Conti sa mga anti-graft forum sa labas ng bansa. Sa susunod na taon ay tutungo siya sa Indonesia at Britanya sa paanyaya ng mga pamahalaang ito.

Kaya ang tanong, sino ang dapat patalsikin: Si Conti o si Sabio?

CHAIR CAMILO SABIO

COMMISSIONER NICASIO CONTI

CONTI

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOOD GOVERNMENTS

LION KING

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTIAL COMMISSION

SABIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with