^

PSN Opinyon

Tejeros, Makati sex scandal: Panlimang kaso ng internet blackmail

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PATULOY ang paghaba ng listahan at pagdagdag ng bilang ng mga nagiging biktima ng internet blackmail.

Apat na kaso na ng internet blackmail ang buong ingat ng nahawakan at naipalabas na ng BITAG.

Nakalulungkot mang isipin subalit may panglimang biktima na humabol pa bago magtapos ang taong ito.

Lakas-loob at personal na nagtungo sa BITAG ang 22 anyos na dalagang encoder ng isang klinika sa Makati upang ireklamo ang kanyang ex-boyfriend.

Ayon sa dalaga, walang pakundangang ipinakakalat sa YOUTUBE ng kanyang ex-boyfriend ang kanyang mga sexy at nude videos pagkatapos niyang makipaghiwalay dito.

Banta ng kanyang 27 anyos na ex-boyfriend, patuloy nitong ipakakalat ang kanyang malalaswang video hangga’t hindi nakikipagbalikan sa kanya ang dalaga.

Katulad ng mga naunang proseso ng imbestigasyon na ginagawa ng BITAG sa mga kaso ng internet blackmail, kinukumpirma namin ang video na ipinakalat na sa YOUTUBE.

Bago pa man matanggal ng suspek ang video sa internet, nakakuha na ang BITAG ng kopya nito. Ang na­sabing video ay pinamagatan pa nitong Tejeros, Makati scandal.

Sunod dito ay ang pagdokumento sa transaksiyon ng biktima at ng inirereklamo.

Pagmamakaawa ng biktima ang naging patibong ng BITAG para sa bibig mismo ng suspek manggaling na siya ang utak ng pagpapakalat.

Sa huli, malas lang ni kolokoy dahil kumagat siya sa aming patibong at tuluyang nahulog sa BITAG, hindi na siya nakaiwas nang per­sonal kaming mag­harap.

Hindi na namin gi­nawang kumplikado pa ang mga pangya­yari dahil ultimatum ang bungad ng BITAG sa suspek.

Kinakailangang sa loob ng 36 na oras, bu­burahin niya ang mga porno videos ng kanyang ex-girlfriend na in-upload sa internet at ibibigay niya sa BITAG ang orihinal na kopya ng nasabing video upang hindi na ito ku­malat pa.

Maaaring tapos na ang atraso niya sa kan­yang ex girlfriend at sa BITAG dahil sa pa­ngako niyang hindi na muling kakalat pa ang video subalit hindi pa rin ligtas ang suspek sa batas ng kanyang pagka­kasala.

Abangan ngayong Sabado sa BITAG ang buong detalye ng Tejeros, Makati scandal.

vuukle comment

ABANGAN

BITAG

KANYANG

MAKATI

SHY

TEJEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with