^

PSN Opinyon

‘Sumalisi si bayaw!’

- Tony Calvento -

(Huling Bahagi)

Sa pagpapatuloy ng kuwento na inilapit sa aming tanggapan ni Inocencio Balingit o Censio ng Silang, Cavite nagtapat ang kanilang anak si Precious ukol sa umano’y panghahalay sa kanya mismo ng kanyang bayaw na si Jobert Gonzales.

Si Jobert ay asawa ng step daughter ni Censio na si Jenilyn.

Nakatanggap ng isang text message si Censio at nagulat siya sa nabasa, “Bantayan n’yo ang anak n’yo dahil binababoy siya.” Agad siyang tumawag kay Cora at dito niya nakumpirma kung ano ang sinapit ng kanilang anak. Nabanggit din ni Cora na may duda siyang buntis ang anak dahil hindi pa ito dinadatnan ng buwanang dalaw. Iminungkahi niyang ipatingin ito sa doctor sa lalong madaling panahon.

Lumabas na limang buwan nang buntis si Precious matapos itong ipasuri ni Cora. Nagpasya si Cora na dalhin agad ang anak sa Silang Police District para magsampa ng kaukulang demanda laban kay Jobert. Sa isinagawang salaysay ni Precious, nalaman ni Cora kung papaano ito inabuso ng manugang. 

Ayon kay Precious, madalas na isagawa ni Jobert ang panghahalay sa kaniya tuwing madaling-araw. Bandang alas-4:00 ng umaga ay pumapasok na kasi si Jenilyn sa trabaho nito. Katabi ng kuwarto nina Jenilyn ay kay Precious. Hindi nakaugalian ni Precious na mag-lock ng pinto kung kaya’t malayang naka­pasok si Jobert dito.

Agosto 2006 ’di umano nang magsimula ang kalbaryo ni Precious sa kamay ni Jobert. Hindi niya napansing nakapasok si Jobert sa kanyang kuwarto habang siya’t natutulog. Nagising na lang siya nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang dibdib. Nabigla siya nang makita ang bayaw niya. Siniko niya ito upang tumigil sa ginagawa ngunit patuloy pa rin ang kamay nito sa pagkapa sa kanyang mga kaselanan.

Dagdag pa ni Precious ay sinabihan siya ni Jobert na huwag maingay para hindi siya masaktan nito. Pinilit manlaban ni Precious ngunit hindi na siya nakalaban pa sa lakas ng bayaw. Wala na siyang ma­gawa habang hinahalikan siya ni Jobert sa leeg at naramdaman niyang ipinasok nito ang kamay sa suot na T-shirt. Hindi nagtagal ay nahubaran na si Precious at pumatong na ang lalake sa kanya.

Kuwento din ni Precious na bago umalis si Jobert ay sinabihan siyang huwag magsusumbong kahit kanino. Dahil sa matinding takot ay hindi niya sinabi sa magulang ang nangyari. Inisip din niya na may sakit sa puso si Cencio at baka may masamang mangyari sa ama sakaling malaman niya ang ginawa ni Jobert.

Dahil guilty sa kanyang nagawa, minsan ay nahuli niya itong si Jobert na nakadikit ang kanyang mukha sa pinto habang nag-uusap silang mag-asawa na nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

Hindi na nakausap nina Cencio si Jobert dahil umalis na lang sila ni Jenilyn nang walang paalam. Hinala ni Cencio na maaaring naramdaman niyang lumabas na ang sikretong itinatago niya. Sa kabila ng pagtutol ni Jenilyn ay desidido si Cora na pag­bayarin ang manugang sa ginawa nito. Sa ngayon ay kinakaharap ni Jobert ang demandang 2 Counts of Rape in Relation to 7610.

Dagdag ni Cencio na sa kabila ng mga nangyari ay si Jobert pa umano ang may ganang manakot sa kanya. Madalas siyang nakakatanggap ng text message mula sa manugang na kung saan sinasabi nitong magkita sila sa isang lugar upang patunayan ang kanyang tapang. Hindi naman ito pinapansin ni Censio dahil alam niyang sinusubakan lang siya nito. Subalit nandoon pa rin ang pangamba niya para sa kanyang mag-ina na naiiwan sa kanilang bahay tuwing namamasada siya.

Ayon kay Censio labis na nalungkot si Cora sa mga nangyari. Wala siyang magawa nang sumama si Jenilyn sa asawa papuntang Masbate upang lumayo.

Mayo 2007 nang manganak si Precious. Upang matu­lungan si Precious, nakipag-ugnayan kami sa tanggapan ni Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco ng Cavite.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maa­ari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magpunta sa Fifth Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

E-mail address: [email protected]

CENSIO

JENILYN

JOBERT

NIYA

PRECIOUS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with