^

PSN Opinyon

Away pulitika - 2010 malayo pa!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PINAPUTOK ni Senator Juan Ponce Enrile ang matagal ng lihim regarding sa Northrail controversy with House Speaker Jose de Venecia Jr., dahil naging masalimuot pala ang naging usapan nilang dalawa sa isang 5-star hotel dyan sa Makati City last 2005.

Kung si Enrile ang papakinggan sa kanyang ikinuento hindi pala dapat magpa-bright-bright si Joe dahil may kinalaman din pala ito sa multi-million dollar deal para huwag mabulabog ang proyektong itinutulak ng Speaker regarding sa Northrail project.

Sabi nga, US$500 million ang pinaguusapan todits.

Ika nga, mas mahal!

Kaya dapat sabi ni Enrile huwag bulabugin.

Naku ha!

Mukhang sumisikat ang mag-amang de Venecia ngayon 2007 dahil kamakailan lamang ay ibinulgar ni Joey ang kontrobersyal ZTE national broadband deal.

Ika nga, marami ang nahulog sa silya!

Ang masama mukhang may interes ang batang de Venecia sa deal porke hindi nanalo ang kanyang minanok sa bidding.

Sabi nga, natalo!

Kaya lang iba si Joey hindi naawat ang bibig nito sa pagbubulgar dahil may mga official daw sa gobierno ang nakipagmabutihan palad sa mga tsekwa na kinatawan ng ZTE.

Ano kaya ang mangyayari ngayon sa mga exposes’ sa Philippines my Philippines?

Mukhang pumupustura na ang mga tatakbo sa 2010 Presidential Election kasi grupu-grupo na sila.

Sino kaya ang tanghaling kampeon?

Paano ang mga mahihirap na noypi na umaasang makakaahon sa kahirapan?

May ginagawa ba para sa kanila?

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay alaws!

Kaya mga kamote, abangan natin ang matinding politikahan hanggang 2010.

Noise pollution sa Kyusi

SANGKATERBANG  mayayamang residente dyan sa Bohol Avenue, Quezon City, near ABS-CBN ang buwisit na buwisit dahil sa ingay na nararanasan nila dahil sa construction dulot ng ginagawang construction ng Mega World Holdings. Paging, Mayor Sonny Belmonte, Your Honor!

Madaling-araw ng magising ang ilan sa kanila dahil sa ingay ng mga heavy equipments na gumagawa sa nasabing lugar.

Sabi nga, nakukuliling ang tenga nila!

Ika nga, matindi ang noise pollution.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ok lang daw sa kanila kung may gagawing gusali sa kanila pero ang problema ay dapat ilagay nila sa oras ang kanilang trabaho.

Ika nga, kailangan nila ang tulog!

Marami kasing residente sa nasabing lugar ang nakatira sa mga naglalakihang bahay samantala ang iba naman ay nasa mga condominium.

Humihingi lamang ang mga residente na malapit sa construction na ilagay sa tamang oras ang kanilang paggawa.

‘Hindi ba kapag may mga gusaling itinayo sa isang lugar ay gumaganda ang place at nagmamahal ang lupa?’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘Yes’

‘Eh ano ang inaangal ng mga residente dito?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Kamote, hindi ka makaintindi ‘NOISE POLLUTION’ ang problema’

‘Buti pa kamote kausapin ninyo ang kontratista para magka-ayos kayo’

‘Dyan tama ka!’

BOHOL AVENUE

DAHIL

IKA

KAYA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with