Pesteng daga!
HINDI ko makalimutan ang balita na isang sanggol ang nginatngat ng mga daga sa
Hindi biro ang may kasamang daga sa tinitirhan. Ang daga ay kakain ng kahit ano, kahit ang balat ng kawad ng kuryente. Kapag nabalatan na ang kawad, ang potensyal ng sunog ay mataas na. At maraming sakit ang dala-dala ng daga, katulad ng leptospirosis, na nakukuha sa ihi ng daga. Nandiyan din ang murine typhus disease, na nakukuha sa mga pulgas na galing sa daga. Ang HPS o hanatavirus pulmonary syndrome na nakukuha sa pagkain na kinainan na rin ng daga. Ang pinakamatinding sakit na naikalat ng daga ay ang Bubonic Plague na galing sa mga pulgas ng daga na may Yersinis Pestis na mikrobyo. Noong ika-14 na siglo, kumalat sa buong mundo ang Bubonic Plague. Humigiti kumulang na 75 milyong tao ang namatay. Halos kalahati ng populasyon ng Europa ay naubos. At ang daga ang dahilan ng bilis ng pagkalat nito. Ang mga pulgas na dala-dala ng mga daga ay kung saan-saan nakakapunta. Pati sa mga barko ay nakakasakay ang mga daga, kaya kumalat sa lahat ng bahagi at sulok ng mundo. Ganyan katibay ang daga.
Pero kung peste ang tingin natin sa maliit na hayop na ito, sa ibang bansa katulad ng
Ang sanggol na nginatngat ng daga sa
- Latest
- Trending