^

PSN Opinyon

Bilang na nga ba ang araw ni GMA?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAGSASAMPA ang opo­ sis­yon nang mas matin-ding kaso ng impeach- ment laban kay President GMA sa unang linggo ng Nobyembre. Ito’y para palitan ang umano’y mahi­nang impeachment na isinampa ni Atty. Roel Pulido, na sa tingin ng ma­rami ay bakuna lamang para kay GMA. Bawiin naman kaya ni Atty. Pulido ang kanyang kaso, tulad   ng parati niyang sinasabi — na, anya’y, kung may pa­palit sa kanyang petis-    yon, papayag siyang iatras ang una niyang isinampang bersyon? Kung noong una’y chis­ mis pa lang ang balak ng oposisyon, ngayon ay sigurado na at naka­tak-da na ang pagsasam­pa sa Nobyembre 5, sa pagbubukas ng Kongre­so. Exciting ito.

Mukhang nakaaamoy na ng dugo sa tubig ang oposisyon sa kanilang planong pagsasampa ng sarili nilang impeachment na kaso. Napapansin na rin nila ang lumalaking agwat at lamat sa relas­yon ni GMA at Speaker Jose De Venecia. Dating malakas ang pagsasama ng dalawa ngunit marami ang nanini­wala na ito’y malinaw na dahil lamang sa pansariling interes ng dalawa.  Kapwa naniniwala ang dalawang ito na malaki ang sakop ng kanilang kapangyarihang pulitikal. Kung dati ay panay ang depensa ni JDV sa kanyang mahal na Presi­ dente, ngayon ay nagpaha­yag na rin ng babala si JDV na kailangan niyang linisin ang gobyerno dahil sobra-sobra na ang kati­waliang nangyayari. Kung ganito na nga ang mga binibitawang pananalita    ng Speaker kay GMA, pag­kakataon na nga ng opo­sisyong kumilos at makuha ang mga kaalyado ni JDV na isulong ang impeachment laban sa Presidente. Ayon sa mga eksperto   sa pulitika, masyadong malaki at malalim ang naging sugat sa relas­yong GMA-JDV sa pag­si­si­walat ng anak ni Speaker na si Joey de Venecia ukol sa suhulan sa ZTE deal na sabit si First Gentleman Mike   Arroyo.

Patuloy pa rin ang mis­teryo ng mga salaping ipinamudmod sa mga kon­gresista at gobernador. Wala pa ring umaamin       sa pagbigay ng pera. Ang  alam pa lang ay isang “white lady” na hindi ma­tandaan at makilala ng  ilang kongresista. Parang sinadya naman, at papa­lapit na ang undas! Ito na nga ang tila nagiging mitsa na naman ngayon ng lahat ng mga kilos-kontra laban sa adminis­trasyon, kaya kung sila rin nga ang may pakana nito, eh binabalikan na sila! Malinaw naman  na may hindi pa nakikitang kamay ang kumikilos sa mga pangyayari ngayon. At mukhang magtatagumpay na siya o sila sa unang bahagi ng planong pag-awayin na muna ang mag­kakampi sa administras-yon. Ito rin ang makaka­sama sa panibagong ber­siyon ng umano’y pinala-kas na impeachment complaint ng Oposisyon — ang suhulan.  Ayon kay Atty. Adel Tamano ng GO, kasa­ ma rin ang mga extra-judicial killings, betrayal of public trust, at ZTE deal.  Sa­sapian ang pag-awtor ng reklamo ng iba’t ibang organisasyon na bubuo ng malawak na koalisyon. Kapag matagumpay na  at tuluyang nag-away-away na ang mga kaalya­do ng Malacañang pana­hon naman para lupigin at tuluyang makamit ang kapangyarihan sa gob­yer­no.  Kung totoo na na­galit ang Presidente sa nangyari sa Malacañang noong Huwebes na iyon, kailangan talaga malaman kung sino ang nasa likod ng mga kilos na ito! Pati mga sundalo, namumulitika na naman sa isyu na ito. Para namang kailangan pa natin ng panibagong partido sa Pilipinas! Partido na lagi na lang may huling salita sa lahat.  Armado kasi.

Ano na ang mangyayari sa bansa natin? Saan na naman tayo pupulutin nito kung sakaling magkagulo na naman, ayon sa banta ng mga sundalo? Layunin ng mga sundalo na ban­tayan ang demokrasya hindi ba? Eh bakit parang naba-blackmail na rin ang bansa kapag “nagpa­ram­dam” na ang mga sunda-lo? Isa pa ang mamumuo na namang tensiyon sa Kongreso — na imbes na trabahong kailangan ng bansa ang atupagin heto’y pulitika ulit ang mangu­nguna.

Abangan si Atty. Roel Pulido kung iaatras ang bersyon niya ng kasong impeachment.  Hindi maisa­sampa ng oposisyon ang kanilang bersyon kung hin-di aatras si Pulido.  Dito na mabubunyag ang pagka-tao ng abogadong ito. Bantayan ang relasyon ni JDV at GMA — ito naman ang makapagsasabi  kung mas malaki na ngayon  ang porsiyento na makuha ng oposisyon ang bilang na kanilang kailangan para mapatalsik na si GMA. Kaya?

KUNG

NAMAN

ROEL PULIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with