^

PSN Opinyon

‘May kinikilingan ba ang balita?’

- Tony Calvento -

ANO BA TALAGA ANG NANGYARI sa likod ng umano’y pagkalason ng mahigit 20 pupils ng elementary sa San Agustin Elementary School sa Bantayan, Cebu nung October 4, 2007?

Sa isang masusing imbestigasyon na pinamunuan ni Regional Director ng Region 7 Chief Superintendent Ronald Roderos, na siyang Chairman ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC), nagpadala siya ng isang team sa pamumuno ni Superintendent Erson Digal sa mismong Bantayan upang magsagawa ng imbestigasyon at tingnan ang kalagayan ng mga mag-aaral na nasalanta umano sa balitang nalason sa pagkain ng “Chinese Candy na Ube Milk.”

Nakapanayam ng “CALVENTO FILES” sa pamamagitan ng mobile phone ang ina ng batang may party nung  araw na yun na si Raquel Cueva, 33 year old, mula sa kanyang tahanan sa Bantayan, Cebu.

Ayon sa ginang na ito binili niya ang mga candy nung alas sais ng umaga nung araw na yun sa isang tindahan sa loob ng Bantayan Market. 

“Nagmamadali nga kami dahil may pasok pa ang anak kong si Rachel ng alas siete y media. Nag-almusal siya ng “milo na inihalo” sa kanin at pagkatapos pumasok na siya.

Nung recess nila ng alas-9:45, nagbigay siya ng mga candy sa kanyang mga classmates at ’di nagtagal sumakit na ang tiyan nila, nagsuka at sumakit ang ulo. Agad naming itinakbo sila sa Bantayan District Hospital.        

Apat sa kanila ang na-confine at ang yung mga ibang class­mates naman ay pina-uwi na,” maliwanag na pahayag ni Raquel.

Habang kami ay nag-uusap nandun at nadidinig ng mga tauhan ng RDCC at si Superintendent Digal.

Tahasang sinabi naman nitong si Raquel na nagpunta agad itong si Konsehal Emelita Matias Gabito sa Bantayan District Hos­pital at nagbigay umano ng ONE THOUSAND FIVE HUN­DRED PESOS (P1,500) at five hundred pesos sa mga hindi nagpa-ospital.

Saan galing ang pera? Aba si Gabito ang makasasagot niyan. Sino naman si Gabito? Siya daw ay isang media person.

Kung media person ka nga Gabito, konsehal ka pa, dapat sana bineripika mong mabuti ang mga balitang binabato mo. Maraming iresponsableng mamahayag na ni hindi bineberipika ang balita at sa kasong ito, hindi kompleto ang pahayag nitong si Gabito.

Sinabi niya na “UBE MILK mula sa SWEET WORLD” ang kinain ng mga bata. Yun lang ba talaga Gabito? Galing lang sa Sweet World? Kung nag-imbestiga ka sa report ay makikita mo na merong ibang candy na kinain ng mga bata tulad ng Choco-Caramel at Lollipop. Mga produkto na hindi galing sa Sweet World.

“I would just want to remind the good councilor cum media person that fair and balanced reporting should be exercised at all times. If you can dish out tirades at people you should also be able to accept them in stride.”

Pinaputok mo lang ba ang balita para maging kontrobersyal ito sa gitna ng marami  kontrobersy na umano’y kinasasangkutan ng mga Chinese gaya ng ZTE Broadband, Cyber-Education, White Rabbit Candy at ngayon Sweet World naman? Nagtatanong lang kapatid?

Hindi ko inaabswelto ang Sweet World dito subalit tayong mga mamamahayag ay walang karapatang i-slant ang balita, i-SS (kung media ka nga alam mo ang ibig sabihin ng SS) para mas mabilis lundagin ang balita at mabigyan ng ispasyo sa kanilang pahayagan.

Ganun na nga ang nangyari! Wala pang laboratory test agad na sinabi na nakakalalason ang Chinese Candy ng Sweet World.

Inaantay lang ng Sweet World ang resulta ng BUREAU of FOOD and DRUGS at pag pinagtibay na walang lason ang candy nila magsasampa sila ng demanda sa mga tao sa likod ng pagpaputok ng balitang ito.

“We have been in the candy business for over 15 years and nothing like this has ever happened to our corporation SWEET WORLD. Hanap buhay namin ito kaya bakit naman namin lalagyan ng lason ang aming produkto. Ang mga balitang naglabasan has caused great damage to SWEET WORLD ang we will definitely file legal action against the people behind the spread of this unfair reporting,” ani Frankie Co president ng Sweet World.

Sa isang panayam naman kay Dr. Antonio Vertido, Chief ng Medico-Legal Division ng Region 4 ng National Bureau of Investigation, sinabi nito na kung ang mga candy ay kinain ng mga bandang 9:45 am, nagkaroon ng reaction mga mag-aalas dose na ng tanghali, mga bata ang kumain nito at wala ng ibang kinain, matagal naman ang reaksyon sa candy!      “Wala kayang kinain na iba ang mga ito? Tanong ni Dr. Vertido.”

Bago ako mag-sulat hawak ko ang suppor­ting documents at sa kaso ng umano’y pagka­lason hawak ko ang LAHAT ng mga reports.

PARA SA ISANG BA­­LANSE at patas na pa­­mamahayag maari ka­yong tumawag sa 63­87285. Maari din kayong magtext sa 092132631­66 at 09198972854.

 

E-mail address: [email protected]

CANDY

GABITO

SHY

SWEET WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with