^

PSN Opinyon

Taumbayan galit sa ZTE deal

SAPOL - Jarius Bondoc -

TODO ang paninira kay Joey de Venecia nina Leandro Mendoza, Benjamin Abalos at Mike Arroyo — mga binisto niyang tumutulak at kumi-kickback sa ZTE deal. Una na nila akong siniraan mula nu’ng Abril nang ibunyag ko ang maruming kontrata ng ZTE Corp. of China sa national broadband network. Tinanggalan ako ng TV show sa IBC-13; kesyo wala na raw budget para sa programang pambato ng istasyon mula 2001. At tinangka pa akong isangkot sa pagnanakaw umano ng kontrata — na ngayo’y lumalabas, ani Sen. Ping Lacson, na tinago lang pala ng DOTC dahil sa maling pag-aakalang maglalaho ang alingasngas.

Marami pang ibang pinahamak ng mga may pakana ng anomalya. Ang isang source ko, na-wiretap ang cell phone. Ang isa pa, na-clone ang e-mail na magpadala ng mali-maling impormasyon. Ang isang sumubok mag-imbestiga sa DOTC, tinanggal ng Presidential Anti-Graft Commission. Dalawang Cabinet member ang nilipat.

Ginugulo pa ng Malacañang ang usapan. Kesyo meron, wala, tapos meron uling kontrata. Kesyo may kopya, ninakaw, na-reconstitute, pero confidential ang kontrata kaya hindi mailabas. Kesyo executive agreement ang kontrata kaya walang public bidding.

Manloko, manakot at manakit na ang mga tagapag­tanggol ng ZTE deal — pero hindi pa rin nila maloloko ang taumbayan. Batid ng madla ang batayang isyu dito. At ito ‘yun:

Hindi kailangan ng gobyerno ang exclusive broadband network. Ni walang gan’un sa China kung saan galing ang ZTE. Maanomalya ang pag-award ng kontrata. Apurahan at overpriced, miski may dalawang karibal na mas mababa ang bids. Tapos, uutangin pa sa China Eximbank ang $330 milyon (P16 bilyon) na ipambabayad sa ZTE. Pababayaran ang 20 taon sa taumbayan — mga magulang, mga anak, mga apo. Samantala, yayaman ora mismo ang mga kumi-kickback.

* * *

Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

BENJAMIN ABALOS

CHINA EXIMBANK

DALAWANG CABINET

JARIUS BONDOC

KESYO

LEANDRO MENDOZA

MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with