^

PSN Opinyon

PO3 Jalmasco ng Antipolo City police

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NATUWA-TUWA ang Chief Kuwago, sa ginawang aksyon nina P/Inspector Rizaldy Aquino at PO3 Orlando S. Jalmasco, ng Antipolo City Police Station, dahil walang abog na tinulungan nila ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang pagnakawan sila ng gagong si RICKY MALATE, ang boy nila may two months na ang nakakaraan.

Akala ni RICKY MALATE, makakalusot siya sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO.  Natimbog siya ng mga bidang police sa kanyang bagong pinapasukan.  Sabi nga, bhe buti nga!

Salamat Rizal Provincial Director Freddie Panen, sa basbas na ginawa mo para matulungan ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO. Mabuhay kayo!

* * *

Batangas Governor Vi-nilog?

MUKHANG binulag ng mga foolish cops, burungoy at kamoteng LGU’s si Batangas Governor Vilma Santos Recto at Archbishop Arguelles, partikular sa unang distrito ng Batangas dahil malala ang jueteng operations ni Don Pepot Alcantara, ang financer todits.

Kung si Region 4-A PNP Director Radovan ang tatanungin tiyak alaws siyang alam todits.

Ayaw nang kumibo ni Radovan sa jueteng sa kanyang juris­diction dahil paretiro na ito ngayong taon. Kaya siguro pina­payagan. He-he-he.

Magugunitang ibinulgar ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang jueteng operation ni Don Pepot Alcantara sa Batangas masyado itong naging kontrobersyal porke ipinamalita ng bangka na binigyan daw niya ng tig-isang milyon ang mag-amang ED at Edwin Ermita para ituloy ang dayaan bolahan? Totoo kaya ito?

Patay ka Don Pepot kapag nakarating sa mag-erpat ang ipinakakalat mo.

Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin siguro magandang ipahuli, kasuhan at ipakulong si don Pepot dahil ang kre­dibi­lidad ng mag-erpat ang nalalagay sa alanganin. Sabi nga, sinisira!

Kagalang-galang pa naman ang pamilyang Ermita sa madlang people dyan sa Batangas. Si  Don Pepot lang ang gagasgas sa kanilang name. Naku ha! Paki-batukan nga ninyo si Pepot.

Ate Vi, wazz up? Bakit? Anong nangyari?

Alam mo bang pati pangalan mo ay binababoy ni Don Pepot Alcantara dahil pati ikaw ay sinasabing na-bribe din niya ng 200 este mali P3 million pala?

Hindi naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga akusasyong pinaggagawa ng kampo ni Don Pepot alam ko sinisira lamang ang kredibilidad ng mga ito sa madlang people ng Batangas.

Ano say mo, Archbishop Arguelles? Mukhang dehins ka kumi­kibo sa jueteng operation ni Don Pepot ?

Hindi lang sa 1st District ng province naka-concentrate ang ope­ration ng jueteng ni Don Pepot kundi isa-isa na itong binubuksan sa ibang lugar. Abangan!

Kambiyo isyu, medyo mayayanig ang operasyon ng jueteng kapag napalitan ang hari ng foolish cops.

Usapang umaatikabo ang mangyayari porke ang mga surot ng dating hari ay sasama todits kapag umalis siya ng kanyang kas­tilyong buhangin. Sabi nga, weder-weder lang!

 Ang jueteng operation sa Region 1 to 5 ay hindi biro. Ika nga, grabe ang kubrahan at bolahan!

Sa Region 1 -si Bonito ang kausap sa tatlong provinces Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.

 P6 million a day ang kinikita nila.

Kung may 30 araw sa loob ng isang buwan P180 million ang nakukuha nila sa sugarol siyempre may parte todits ang burongoy dahil kung wala sila mismo ang manggugulo sa kanilang lugar at paghuhulihin ang mga kubrador. 

Ganoon din ang mga foolish cops lalong hindi sila papayag kung walang ganansiya kay Bonito.

Siyempre ang mga bugok sa LGU’s ay hindi puwedeng ipuwera. Ika nga, kasama sila sa intelihensiya.

Weekly ang pakinabang ng mga kamoteng sangkot sa jueteng operation.  Importante sa kanila ang mga petsang 7,15,22,30 or 8, 16, 23, 30 dahil ito ang araw ng partihan blues para sa ganansiya sa 137 or jueteng.

Isa ang Pangasinan sa may pinakamalaking kubransa sa jueteng P8 million dito every day. Kayo na ang kumuwenta para ma­la­­man ninyo kung how much ang gross income minus inteli­hensiya at patama sa mga nanalo kung mayroon man ang natira sa pitsa ay para sa bangka, management at mga personeros.

Tahimik na dito si dating Bishop Oscar Cruz. Kung bakit siya lang ang nakakaalam. Sina Boy bata at Mijora ang kausap dito sa Pangasinan.

Sa Cordillera Autonomous Region tulad ng Abra, Benguet-Baguio, La Trinidad P3 million ang kubransa pero nagkakagulo ngayon todits dahil bumotak daw ang bangka nina Raffy at Allan. Si Marasigan ang kausap ng mga tekamots para sa timbre.

“Kapos ang kolum ng Chief Kuwago,” sabi ng kuwagong kubrador.

“Next issue ituloy natin,” sagot ng kuwagong manggagantso.

“Marami pa bang expose?” tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Grabe pa.”

“Kasama ba ang region 2?”

“Tiyak abangan!”

BATANGAS

DON PEPOT

JUETENG

PEPOT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with