^

PSN Opinyon

Hindi ako ang urot sa  kudeta — Garcia

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

AKALA siguro ni Ricky Malate, ang magnanakaw na houseboy ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay kaya niyang gaguhin ang mga taong pinagnakawan niya kahit na ang tiwala ng mga ito ay ibinuhos sa kanya.

Nagtago ng halos dalawang buwan si Ricky Malate, sa mga kuwago ng mga ORA MISMO, sa buong akala ay lusot na siya sa kanyang katarantaduhan pero nagkamali ito dahil nahuli siya last Friday ng mga tauhan ni Rizal Provincial Director Freddie Panen sa isang gusali sa Antipolo, Rizal. Ika nga, nagulat ang gago!

Sa takot ni Ricky Malate, nataranta ito at kumanta ng sintunado para sabihin kung saan niya dinala ang mga nina­kawan niyang kagamitan sa kanyang dating bossing.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil maasahan ang mga tauhan ni Panen na sina Police Inspector Jojo Aquino, PO2 Rodel Druja at P/A Joso Latorina ng Antipolo Police Station.

Mabuhay kayo, dyan talagang maasahan kayo ng madlang people. Keep up the good work!

Kambiyo isyu, Kakausapin ni Cebu Congressman Pablo Garcia si Quezon Rep. Danilo Suarez para bigyang linaw kung totoo na sinabi ng huli sa diyaryo na siya ang nang-uurot kay Prez Gloria Macapagal Arroyo na sipain si House Speaker Jose de Venecia bilang Speaker sa Kamara. Sabi nga, kudeta sa Kamara!

Pinasinungalingan ni Garcia, ang mga ulat na siya ang gumagatong kay Prez Gloria para sipain sa puesto bilang Speaker si Joe. Ika nga, its a big lie!

Sabi ni Garcia, sa mga kuwago ng ORA MISMO nang mag­ku­wentuhan sila yesterday afternoon sa isang lugar sa Quezon City na alaws katotohanan na siya ang nagpapabaga para sumiklab si GMA para palayasin si Joe bilang Speaker ng Kongreso.

Ang pagpunta ko sa Malacañang last Wednesday night ay para paunlakan ang invitation nina Reps. Iggy, Dado at  Mickey na doon kami mag-dinner kasama ang lahat  halos ng  mga congressman sa Kamara.

Sabi ni Garcia, hindi loyalty check ang nangyari.

Thank you, lamang ang binitiwan salita ni Prez Gloria sa amin sa Palasyo. Pagkatapos ng kainan ay umalis na kami at kinabukasan ay nagpunta na ako sa Cebu.

May mga urot na nagtutulak na pagsabungin talaga kami ni Joe pero dapat hindi na ito mangyari.

Nagkaroon ng mabigat na problema si Joe ng ibulgar ni Joey anak nito ang umano’y anomalya sa ZTE — national broadband network deal sa China kasi marami ang nasasabit na kaalyado from the goverment.

Kaya naman imbestigasyong umaatikabo ang ginagawa ng Senado tungkol dito.

Sa awa ng Diyos pinahinto muna pansamantala ni Prez Gloria ang nasabing usapin. Ika nga, keep quiet. He-he-he!

Matindi kasi ang problema ng gobyerno ngayon daming intriga ang naglalabasan kaya naman ang madlang people ay hilung-hilo sa pangyayari.

Hindi lang ang ZTE deal ang problema ng Philippines my Philippines sangkatutak ito kung huhukayin lamang.

Pati si Mike Arroyo, na matagal nang nananahimik ay nasama ulit sa intriga.  Sabi nga, kawawa naman. Amen!

Hindi lang ang sinasabing kudeta sa Kamara ang binabantayan kundi maging ang mga sundalo ay tinitiktikan din dahil may mga hindi magandang pangamoy ang naaamoy ng leadership ng military. Ika nga, humanda kayo !

“May loyalty check bang ginagawa ang Palasyo?”  tanong ng kuwagong urot.

“Kung mayroon man tahimik sila.” sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Mapatalsik kaya si Speaker Joe de Venecia sa kanyang trono sa Kamara?” tanong ng kuwagong lasing.

“Yan ang walang kasiguruhan.”

“Bakit ?”

“Sangkaterba ang loyalist congressman ni Joe sa House.”

“Ganoon.”

“Oo, kamote!”

“Ano ang magandang gawin?”

“Saan?”

“Sa biglaang mangyayari.”

“Wait and see!”

“Korek ka dyan.’

IKA

KAMARA

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with