Huwag ipagwalambahala ang appendicitis
KARANIWAN nang kapag sumakit ang tagiliran ay sasabihin na baka may appendix ako. Hindi po appendix kundi appendicitis. Lahat po ng tao ay may appendix. Kapag po ang appendix na iyan ay namaga, iyan ang ang tinatawag na appendicitis.
Ang appendix ay isang maliit na tila supot na may habang siyam hanggang 10 sentimetro. Ito ay nasa unang bahagi ng large intestine. Ang appendicitis ang pinaka-common na abdominal emergency sa buong mundo at lalaki o babae ay maaaring mamaga ang appendix. Ang mga batang may edad na dalawang taon ay hindi naman apektado ng appendicitis. Karaniwan namang nagkakarooon ng appendicitis ay mga kabataang may edad hanggang 25.
Ang sintomas ng appenditis ay ang pananakit ng tiyan na nagmumula sa pusod at gumagapang sa dakong likod. Mas lalong masakit kapag inuubo o humihinga nang malalim. Maaaring makaranas ng pagsusuka, pagtatae at kawalan ng ganang kumain.
Nararapat na magpakunsulta agad sa doctor ang sinumang makaranas ng sintomas nito sapagkat delikado kung hindi ito agad maooperahan. Apendictomy ang tawag sa operasyon sa appendix. Delikado kapag hindi naopera ang appendix sapagkat magkakaroon ng nana. Kapag sumabog, magiging gangrenous o ang tinatawag na peritonitis.
Ang laman nang sumabog na appendix ay kakalat sa peritoneal cavity at maaaring mamatay ang pasyente. Ang pagputok ng appendix ay kadalasang nangyayari sa mga matatandang pasyente.
- Latest
- Trending