^

PSN Opinyon

Basura, Baha at Disiplina

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

PARANG nalipat ang Smokey Mountain sa mga paha­yagan nung Lunes. Kulang-kulang anim ang istorya tungkol sa Basura sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa Taytay, Rizal closure of dumpsite. Sa Cebu City, ang pag­higpit ng inspeksyon sa mga basura ng ospital dahil hindi na hinihiwalay ang mga toxic o hazardous waste sa ordinaryong tinatapon. Sa Maynila, pinag-aaralan ng Konseho ang pagsunod sa Solid Waste Management Act. Sa Quezon City, magpapatupad ng kampanya sa disiplina sa mga residente laban sa pagtatapon ng basura sa mga drainage. Sa Navotas, palalawigin ang dredging ng mga creeks and waterways. Ang MMDA, ilulublob ang mga tauhan nila sa mga bundok ng basura at aalamin ang pinanggalingan ng mga ito. Ang Makati lang ang may magandang balita dahil napababa nito ang total na volume ng basura sa pamamagitan ng epektibong segregation, recycling at MRF procedures.

Napapanahon muli ang pagtalakay sa mga isyu ng sanitasyon dahil sa pagbabahang dulot ng pag-ulan. Sana’y hindi na hintayin ang trahedya ng baha bago aksyunan ang mga panukala sa basura. Napatunayan na ito sa mga progresibong lungsod tulad ng Cabanatuan kung saan pinaganda at ginastusan ng husto ang drainage system. Ito ang naging solusyon sa taunang problema ng pagbabaha. Ang maagang pagtuon ng pansin sa suliranin ang siya pa ring pinakamabisang paraan upang ito’y lutasin. Iyan at disiplina lang ang katapat.         

Bumaha rin ang ulat tungkol naman sa karangalang nakamit ng mga PINOY sa iba’t ibang larangan sa abroad. Sa California: Atin ang World Cup of Boxing salamat kay Tatang Gerry Peñalosa at apat  pang boxer. Sa New Jersey: U.S. Open ng Chess, tinalo ni Anton Paolo del Mundo, FIDE Master candidate ang mga Grandmaster ng Russia. Si Vina Morales ang best vocalist at ang bandang Kjwan ang Best Group Artist sa IKON ASEAN grand     finals singing competition sa Malaysia. Ang pinag­mamalaki, si Aria Daniella Clemente ng Bulacan, 11 years old, na nanalo sa Junior Division ng Wold Championships of Performing Arts sa California. 5,000 contestants lang naman galing sa 52 countries ang tinalo.

Sa dami ng karangalan na dala ng ating mga kaba­bayan, huwag sana itong maibasura dahil lang sa ka-  walan ng disiplina.

ANG MAKATI

ANTON PAOLO

ARIA DANIELLA CLEMENTE

BEST GROUP ARTIST

JUNIOR DIVISION

SA CALIFORNIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with