^

PSN Opinyon

Ang sikreto ng pamamayagpag ng mga sinehan ng kalaswaan

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISANG mala-kidlat na pagbisita noong nakaraang Biyernes ang bumulabog sa mga lumang sinehan sa Maynila.

Kasama ang BITAG, isinagawa ang isang surprise inspection ng mga tauhan ni Mayor Alfredo Lim sa Business Permit, Engineering Division at Department Police Special Unit (DPSU) sa mga sinehang pinaghihinalaang lungga ng kalaswaan.

Takbuhan, sigawan, tamblingan, banggaan at tulakan ang naging mga eksena sa nakakagulantang na operasyong ito.

Matatandaan na taong 2004 nang umpisahang isaga­wa ng BITAG ang surveillance operation sa mga inirerek­la­mong sinehan na pugad ng bentahan ng aliw at laman.

Kasama din ang mga alagad ng batas, matagumpay na-    mang naisagawa ang mga raid operations.

At ngayong Agosto 2007, muli naming sinilip ang mga sinehang ito bunsod ng sikretong pinasabog sa BITAG ng dating malapit na tauhan ng isang negosyanteng nagrerenta ng mga lumang sinehan, si Mang Boy.

 Sa panahon ngayon na nagsusulputan na ang mga mo­der­nong sinehan na matatagpuan sa magagarang malls, namamayagpag pa din pala ang mga antigong sinehan.

Subalit hindi upang panooran, kundi lugar ng kalakalan ng kalaswaan at kababuyan ng mga parokyano nitong bading at callboy. Ayon kasi kay Mang Boy, hinuhuli, ipapasara suba­lit muli din namang nagbubukas ang mga sinehang ito kapag nire-raid. Dahil daw sa mga protektor nitong media men at kapit sa city hall tuloy-tuloy pa din ang negosyo.

Kung susuriing mabuti, sa kabila ng antigo nitong istruktura, pinaglumaan ng panahon na pelikula, sira-sirang upuan, mabaho at nakakadiring pasilidad ng mga lumang sinehang, nabibigyan pa din ng business permit ang mga ito.

Merong tumatangkilik, yun nga lang, mga parokyanong hindi panonood ng pelikula ang pinagkakaabalahan kundi pagpaparaos ng kamunduhan  sa mura at madaling paraan.

At ang hindi nakikitang tunay na dahilan ng problema, ang mga negosyanteng katulad ng amo ni Mang Boy na may kaka­yahang magrenta ng mga lumang sinehan upang pagkakitaan.

Hindi upang panooran, bagkus puntahan ng mga taong, tawag ng laman ang pinagkakaabalahan. Sa sitwasyong ito, kinakailangang maghigpit na ang bawat lokal na pamahalaan sa tamang pamantayan ng mga sinehang magbibigay ng tunay na entertainment sa mga taong nais manood ng paborito nilang pelikula. Dahil walang anumang raid, surprise inspection o anumang operasyon ang makapagpapatigil sa mga lumang sinehang ito na magbukas at magpatuloy sa negosyo.

 At hanggat may mga lumang sinehang nag-ooperate para parausan ng kanilang mga parokyano, may tatangkilik at tatangkilik pa din dito.

BUSINESS PERMIT

DAHIL

DEPARTMENT POLICE SPECIAL UNIT

ENGINEERING DIVISION

MANG BOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with