^

PSN Opinyon

Rata-Kopi II (With permission of Korina)

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NAKIKIRAMAY ang REPORT CARD sa taga-ABS-CBN na nakahigop ng Rata-Kopi sa Chow King Tutuban. Sa aking opinyon, hindi lang ito simpleng negligence kung hindi criminal negligence ng kompanya. Walang dahilan ang mga may-ari ng restoran ng idaan na lang sa sorry ang ganitong kapabayaan. Lalung-lalo na ang mga korporasyon na kasing-laki ng Chow King.

Kapuna-puna ang pag-follow up ni Ms. Korina Sanchez sa kanyang radio program sa mga remedyo upang hindi na maulit ang trahedya ng RATA-Kopi (kapeng may dumi ng daga). Laking bagay ng adbokasiya ni Korina sa ikapapanatag ng ating kalooban. Ang publiko ay walang kalaban-laban sa ganitong peligro. May karapatan tayong maging kampante na ang mga lisensyadong restoran ay dumaan sa masusuing health inspection at sa sariling internal hygiene and sanitation procedures. Kapag mapa­tunayan na hindi epektibo ang mga prosesong ito, mawa­wala sa isang iglap ang tiwala ng tao sa industriya ng restoran. Kung hindi naman pala safe ang pinapakain sa atin —maski pala yung mga produkto ng pinakama­yaya­man nang kompanya, eh bakit pa tayo kakain sa labas?

Hindi lang paghigpit sa inspeksyon o pagtiwala sa kusang-loob ng restoran ang kasagutan diyan. Dapat ding humakbang ang mga lokal na pamahalaan. Noong nani-ni­lbihan pa ako bilang konsehal ng Maynila, naipanukala ko ang: (1) Pagtabi ng 30% ng espasyo ng restoran eksklu­sibo para sa kusina; at (2) Ang paglagay ng bintana upang makita ang loob ng kusina. Kung may regulasyon sa laki ng kusina, masisiguro na may karam­patang lugar ang lahat ng maseselan na bagay pang kain. Marami pa ring hanggang ngayon na kung gaano kalaki ang dining area, ganun naman kapiranggot ang kitchen. Paano naman hindi dudumi? Ang paglagay naman ng salamin upang masilip ang loob ng kusina ay magsi­silbing garantiya na hindi nagpapabaya ang may hawak ng pagkain sa loob. Iilan lamang ito sa napa­ka­raming maaring remedyo upang luminis ang pagkaing sinisilbi sa publiko.

Nauna ang isyu ng dumi ng tubig, ngayon nama’y dumi ng pagkain. Nakakatulong nga ang dasal. Subalit kailangan pa bang isa-Diyos ang mga bagay na masosolusyunan kung pag-isipan lamang?

Korina Sanchez Grade: 95!

Chowking Tutuban Grade: .0095!

CHOW KING

CHOW KING TUTUBAN

CHOWKING TUTUBAN GRADE

DAPAT

KORINA SANCHEZ GRADE

MS. KORINA SANCHEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with