^

PSN Opinyon

Gen. Calderon, walang ginagawa sa jueteng

- Bening Batuigas -

MAAARING idahilan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon na small-town lottery (STL) itong operations ng magsing-irog na sina Charing Magbuhos at Eddie Kabayo sa Quezon at Mon Preza sa Laguna para matakpan ang moro-moro na kampanya niya laban sa jueteng. Pero para sa kaalaman mo President Arroyo Ma’m, sa ibang lugar ng bansa hayagan na ang jueteng subalit walang ginawa si Calderon na nangako na ipasara niya ito sa termino niya. Paimbestigahan mo rin si Supt. Bong Ordona ng CIDG Ma’m GMA at malalaman mo tiyak kung ano ba talaga ang lagay ng jueteng sa bansa at kung sinu-sino ang nakikinabang. Tiyak din na magugulantang ka GMA Ma’m sa mga pangalan na maeengkuwentro mo at maarok mo rin kung bakit hindi gumagalaw sina Calderon at Interior Sec. Ronaldo Puno laban sa jueteng. Uulitin ko GMA Ma’m na kung nagtatago sina Charing Magbuhos at Eddie Kabayo at Mon Preza sa STL, ang mga hayagang nag-ooperate naman ng jueteng sa bansa ay sina Peping Bildan at Don Juan sa Zambales, Leony Lim sa Sogsogon, Jess Lao sa Camarines Norte, Tony Ong sa Nueva Viscaya, Nora de Leon sa Batangas, at Danny Soriano sa Cagayan. At sana sa patuloy na operation ng jueteng sa bansa sa ngayon ay magbibigay ng halimbawa para huwag ng i-extend ni GMA ang termino ni Calderon na magreretiro sa Oktubre 1.

Para sa kaalaman mo Ma’m GMA, si Peping Bildan ang financier ng jueteng sa Zambales ay dating ‘‘bata’’ ni dating Gov. Vic Magsaysay, ang talunang kandidato n’yo sa Team Unity. Pero kung gaano kabilis mawala sa puwesto ang angkang Magsaysay, aba ganoon din kabilis kung magpalit ng amo si Peping Bildan. Nagulantang na lang ang kampo ni Magsaysay nang biglang lumipat sa kampo ng bagong upo na governor ng Zambales na si Amor Deloso si Peping Bildan nga. Naiwan sa kang­kungan ang Magsaysay clan, ’ika nga. At tulad ng dating gawi, si Peping Bildan mismo ang tagalakad ng ling­guhang intelihensiya niya kay Chief Supt. Ismael Rafanan, ang director ng PRO3, ayon sa mga suki ko diyan sa Central Luzon. At hindi lang sina Gov. Deloso at Rafanan ang nakikinabang ke Peping Bildan at Don Juan kundi maging si Col. Agbayalde, ang intelligence officer ng PRO3. He-he-he! Magkano ba talaga ha Gov. Deloso, Gen. Rafanan at Col. Agbayalde Sir’s?

Ang jueteng ni Peping Bildan ay dalawang beses kung bolahin sa isang araw. Ang kubransa ni Peping Bildan sa bayan ng Castillejos ay P200,000; P100,000 sa Subic; San Marcelino, P180,000; Botolan P150,000; Iba, P200,000; Palawig P150,000; San Narciso P120,000; Sta. Cruz P140,000; Masinloc P120,000 at San Antonio P250,000. Tiyak meron ding lagay ang mga mayors kay Peping Bildan para manahimik sila, di ba mga suki? He-he-he! Hinay-hinay lang mga Sir’s at baka mabundat kayo! Abangan!

BILDAN

CHARING MAGBUHOS

DON JUAN

EDDIE KABAYO

JUETENG

MAGSAYSAY

MON PREZA

PEPING

PEPING BILDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with