^

PSN Opinyon

Task Force Pagpapakilala sa Zambales

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAKITA ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tikas ng mga kasapi ng Kapulisan sa San Juan ang sisipag nila sa pag­babantay sa mga kamoteng maaring maghasik ng lagim habang nasa bansa ang iba’t ibang kasapi sa ASEAN Summit.

Nakakatuwang tingnan ang mga police na abalang-abalang naka-monitor sa Greenhills Shopping Center sang­damakmak ang mga banyaga todits na namimili at nama­masyal yesterday.

 Iba talaga si San Juan PNP  Supt. Rodel Jocson, kapag humawak ng tao bukod sa malilinis silang tingnan ay kagalang-galang pa ang dating.

Supt. Jocson, keep up the good work!

Ang isyu, humihingi ng saklolo ang mga residente sa Sta. Cruz, Zambales sa mga kuwago ng ORA MISMO, dahil natatakot silang umakyat ng bundok porke nagkalat ang mga tulisan este mali kapulisan pala at mga tauhan ng Armed forces of the Philippines.

Take note, AFP General Esperon at PNP bossing Oscar Calderon, Sir!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa itaas daw ng mountain ang mga sundalong kanin este mali AFP soldiers at PNP SAF dahil sa matindi raw ang operasyon nila sa mga rebelde. Ika nga, NPA!

Kung totoo ang mga pinakakalat na balita aba palak­pakan natin ang ating mga sundalo at kapulisan dahil nandito sila para ipagtanggol sa anumang kaguluhan na maaaring gawin ng mga NPA sa mga innocent people. Sabi nga, palak­pakan!

Saludo ako sa kanila dahil hindi pinababayaan ng taong gob­yerno ang mamamayan ng Sta. Cruz, Zambales.

May nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, naka­lungga pala ang mga sundalo at kapulisan sa mga minahan sa itaas ng bundok.

Ang problema ngayon alam ba ito sa higher headquarters na imbes ang mga NPA o masasamang elemento ang hanapin ay mukhang kasama sila sa paghahanap ng mina. Totoo kaya ito?

Mayor Chito Marty, alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang DCMI mining ay hindi mo pinayagan o binigyan ng permit na mag-operate dyan sa itaas ng mountain.

Binigyan din kaya ng DENR ng ECC permit ang DCMI?

Sino kaya ang nagbigay ng basbas para gamitin o tirhan ng taga-Benguet mining ang lungga este mali office pala ng SAF? Bakit?

Nabalitaan ng mga kuwago ng ORA MISMO, anuman oras mula ngayon ay kakanselahin daw ni Zambales Governor­ Amor Doloso ang mga permit to operate ng mga mi­ning dyan sa Sta. Cruz dahil nagkaroon umano ng ano­malya sa pagbibigay nito noon daw panahon ni dating Gov. Vic Magsaysay. Kung totoo man aba ano ito?

Dapat siguro Governor Doloso si Magsaysay ang habulin mo at idemanda kung may pruweba ka na nagkaroon ng anomalya sa pag-iisyu ng permit to operate dyan ang mga may-ari ng minahan.

Kung nagkaroon ng kalokohan dyan pa-imbestigahan mo si Magsaysay hindi ang mining company na nabigyan ng permiso noon ang kalaban mo sa pulitika ang nakaupo.

Rebisahin ng husto ang kontrata upang ang mga minero ay hindi mawalan ng trabaho at may maipakain sa kanilang pamilya.

Kung totoong nagkaroon ng kalokohan iba ito.

Kambiyo isyu, may mga taong gobyerno pala sa Zam­bales na gusto ng patigilin ang jueteng.

AMOR DOLOSO

CRUZ

GENERAL ESPERON

GOVERNOR DOLOSO

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with