^

PSN Opinyon

Sakro-ro!

REPORT CARD  - Ernesto P. Maceda Jr. -

PINUNA ng PHILIPPINE STAR editoryal ang mabagal na takbo ng imbestigasyon ng paglubog ng RO-RO ferry MV Blue Water Princess sa Quezon. Mahigit 11 katao ang namatay dito. Maski si Gng. Arroyo ay nagalit kung bakit dalawang linggo na’y hindi pa rin nauumpisahan ang hearing ng Board of Marine Inquiry.

Alam naman natin ang magiging resulta. Sa dami ng aksidente nang nangyari sa ating karagatan, hindi nagbabago ang sanhi nito: Overloading, improper       stowage ng Cargo, hindi kwalipikadong crew, non seaworthy vessels, sailing in foul weather.

Ang programa ng RO-RO na nagbibigay buhay sa tinatawag na ‘‘Nautical Highway’’ ng Pilipinas ay isa sa starting line-up ng mga accomplishment ng adminis­trasyon. Talagang nang-engganyo ang Malacañang na subukan ito. Ang laki ng mukha ni Gng. Arroyo sa mga poster at ang suwabe ng boses nito sa TV spot. Wala pa ring mas mura at maginhawang paraan upang pagkabit-kabitin ang ating 7,100 islands kaysa mga bangka, ferry at barko. Kaya napakahalagang panatilihin ang tiwala at kumpiyansa ng pasahero.

Subalit sino ang bibili ng tiket kung ‘‘one-way’’ lang pala ito sa kabilang buhay? Yun nga ang problema. Dito sa atin, may choice ka ba? Dahil wala namang alternatibo, patuloy pa ring tinatangkilik ng Pilipino ang mga sasak­yang dagat na may masamang rekord ng kaligtasan. Bilang isang Archipelago, dapat ay nauuna tayo at hindi nakukulelat sa safety ratings. Ang kabagalan ng im­bestigasyon ng Blue Water Princess ay sintomas lang  ng mas malaking problema — ang kabagalan ng repor­ ma sa napakahalagang industriyang ito.

Kung hindi rin mapangatawanan ng gobyerno ang ka­ ligtasan ng pasahero, mag-isip na sila ng sistema ng mga bagong tulay na tulad ng San Juanico Bridge o padamihin ang mga eroplanong nagseserbisyo sa domestic travel, kasama na ang paglatag ng bagong mga airport at iskruk­ turang kailangan. At sa mga pribadong kumpanya na tumatabo ng husto sa ticket sales, sana’y palawigin ninyo ang self-regulation. Kayo na ang magdisiplina sa sarili niyong mga ranggo. Pa­ngunahan na sana ng mga higan­teng shipping company tulad ng Aboitiz at Sulpicio.

Kay rami nang Pilipinong nagbuwis ng buhay. Obli­gasyon nating lahat na pagandahin ang takbo ng industriyang maritima.

BLUE WATER PRINCESS

BOARD OF MARINE INQUIRY

GNG

NAUTICAL HIGHWAY

SAN JUANICO BRIDGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with