^

PSN Opinyon

Wala nang makapigil sa jueteng ni Leony Lim!

- Bening Batuigas -

KAKUTSABAHAN ng pulisya at pulitiko ang naging dahi­lan kung bakit matining ang takbo ng jueteng ni Leony Lim sa Sorsogon. Ang ibig kong sabihin mga suki, ma­ganda o mataas ang lingguhang intelihensiya na tina­tanggap ng mga pulis at pulitiko sa Bicol mula kay Leony Lim kung kaya’t hindi sila kumikilos para masawata ang jueteng nito, di ba Gov. Sally Lee at PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon? Kaya mukhang wala nang makapigil sa kung anong sangay man ng gobyerno para mapatigil ang jueteng ni Leony Lim  dahil ang mga opisyales ay may mga uling sa mukha o nabahiran na ng grasya mula sa gambling lord. Kung sina Calderon at Interior Sec. Ronaldo Puno ay hindi maiangat ang kamay na bakal laban sa jueteng ni Leony Lim, bunga sa mga alagad nilang sina Art Atayde at Atty. Joel Descallar o Atty. Balta­zar, kanino na lang tayo dapat magsumbong? Sa NPA? He-  he-he! Baka pati NPA ay may intelihen­siya si Leony Lim . Pero hindi ako magsasawa sa pag­bubulgar ng jueteng ni  Leony Lim mga suki.

Teka nga pala! Ang bolahan ng jueteng ni Leony Lim ay matatagpuan sa Centro Cumad­ cad sa Sugoy at sa Honasan St., sa Centro Poblacion na malapit naman sa bahay ng mayor ng Bulan. Ang may-ari ng bahay sa Bulan ay si Helen de Castro samantalang si Mrs. Fragata naman sa Juban. Sa Gubat ang bolahan ng jueteng ni Leony Lim ay sa bahay ni Deo­gracias Ramos at kina Juvic Dioneda naman sa Sorsogon City, ayon sa espiya ko. Pero hindi basta-basta ma-raid ang mga puwesto ng bolahan ni Leony Lim mga suki dahil may bantay o security ang mga ito na mga pulis o Army nga. Ngayon kumpleto-rekado na ang ebidensiya ko na bukas na bukas ang jueteng sa Sorsogon, ano pa ang masabi dito ni Calderon na nagma­malaki pa noong nakaraang taon na ipapasara niya ang jueteng sa termino niya?

Nakain na kaya ng sistema ng jueteng si Calderon? Kung sabagay kalat naman sa hanay ng pulisya na ang PNP chief ay tumatanggap ng aabot sa P5 milyon kada linggo sa jueteng, di ba mga suki? He-he-he! Kaya pala mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagbaligtad ni Calderon kung jueteng ang pag-uusapan.

At dahil sa patuloy na jueteng operation ni Leony Lim, nanganganib naman na masibak sa puwesto si Supt. Balligi Tira, ang OIC ng PRO5 sa Bicol. Itong si Tira kasi ay DRDA ang item pero naging OIC ng PRO5 bunga sa kapit niya na si Rep. Luis Villafuerte ng bagyo sa Mala­cañang. Ilang beses ng tinangkang palitan ni Calderon si Tira subalit namamayani ang padrino niya na si Villafuerte nga. Pero may balita ako na hindi naman nakikialam sa jueteng si Tira, di ba Art Atayde at Atty. Descallar o Atty. Baltazar Sir’s? Kaya lang baka gamiting isyu nina Puno at Calderon ang jueteng ni Leony Lim para masalto si Tira. Puwede, di ba mga suki? Abangan!

ART ATAYDE

JUETENG

LEONY

LEONY LIM

LIM

SHY

TIRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with