^

PSN Opinyon

EDITORYAL – I-prayoridad ang pagbibigay nang mahusay na edukasyon

-

MAHINA na ang edukasyon sa bansa ngayon at nakikita ito sa pagiging kulelat ng mga kabataan sa mga pandaigdigang kumpetisyon o maski sa Asia. Wala na ang tatak na ang mga estudyanteng Pilipino ay mahusay sa Science, English at Math. Nangungulelat na ang mga kabataang Pinoy at kung hindi gagawa ng paraan ang mga opisyales ng gob­yer­no para mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa, kawawa naman ang Pilipinas. Hindi na makababangon sa pagkakalugmok sapagkat salat sa kaalaman ang mga mamamayan lalo pang mga mahihirap. At kung kulang sa kaalaman ang mga estudyante hindi magkakaroon ng puwang ang pag-unlad. Lalo pang mangungulelat hindi lamang sa Asia kundi sa buong mundo.

Pero sabi ni President Arroyo nang magsalita sa pagbubukas ng Corporate Social Responsibility Expo 2007 ang pagkakaroon nang mahusay na edukasyon ang tangi niyang maipapamana sa mga kabataan. Sa pagkakataon ding iyon sinabi ng Presidente na dadagdagan niya ang budget para sa edukasyon. Dadagdagan umano niya ng P29 billion ang budget ng Department of Education (DepEd). Magiging P150 billion na ang budget sa 2008.

Ang pagkakaroon daw nang mahusay na edu­kasyon ang tanging makalulutas sa nararanasang kahirapan ng bansa. At titiyakin daw ni Mrs. Arroyo na bago matapos ang kanyang termino sa 2010 ay mayroon nang magandang edukasyon ang mga kabataan.

Maraming Pinoy ang gustong mag-aral. Pero dahil sa kahirapan ng buhay, hindi sila makapag-aral. Walang perang gagastusin para sa tuition. Kaya walang magawa ang mga kabataan kundi tanggapin ang katotohanan na sawing palad sila sa pag-aaral.

Kung matutupad ang sinabi ni Mrs. Arroyo na ang tanging maipamamana niya sa mga kabataan ay mahusay na edukasyon, magandang pangako ito. Buhusan nang pondo ang edukasyon. Pag-aralin nang libre ang mga kabataang matatalino. Hika­yatin ang mga mahuhusay na teacher sa English, Science at Math na huwag nang mag-abroad. Bigyan sila ng magandang suweldo at mga benepisyo.

Uunlad ang Pilipinas kung mga Pinoy ay sagana sa mahusay na edukasyon.

CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY EXPO

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUKASYON

MARAMING PINOY

MRS. ARROYO

NANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with