^

PSN Opinyon

Tahimik ang Plunderwatch  sa magiging hatol kay Erap

- Bening Batuigas -

HILUNG-TALILONG sa kasalukuyan si Carol Araullo, ang chairwoman ng Plunderwatch bunga sa hindi niya alam kung ano ang gagawin niya habang malapit nang ibaba ng Sandi­ganbayan ang desisyon ukol sa kaso ni dating Pres. Joseph ‘‘Erap’’ Ejercito.

Bilang background mga suki, ang Plunder­watch ay itinatag ng CPP-NPA para siguruhin ang conviction ni Erap at mga kapwa akusado niya sa plunder case. Noon kapag hindi gusto ng Plunderwatch ang mga desisyon ng Sandiganbayan, aba nag-iingay si Araullo at mga alipores niya. Pero tulad ni CPP founder Jose Ma. Sison, tahimik na rin itong nag­daang mga araw si Araullo at mga kaalyado niya sa Plunderwatch tungkol sa magi­ging verdict ng Sandiganbayan ke Erap. Alinsu­nod sa mandate ng Plunderwatch si Araullo ay dapat mag-lobby o magsisigaw ng guilty verdict, di ba mga suki? He-he-he! Nasa­yang lang ang ginastos na pondo ng Plunder­watch dahil malinaw na nalusaw na parang bula ang pinagtrabahuhan nila sa anim na taon.

Kung sabagay, batid ni Araullo na ang CPP-NPA ay mukhang nagiging kaalyado na ni Erap. Eh malaking papel na nga ang ginampanan ng CPP-NPA para mapatalsik sa Palasyo si Erap noong 2001 pero bakit maganda ang relasyon nila sa ngayon? Di ba ang CPP-NPA rin ay may mala­king papel din na ginampanan para manalo ang Genuine Opposition (GO) ng nakaraang election?

Usap-usapan kasi mga suki sa Manila Police District (MPD) ang balita na nagpakawala ng P40 milyon na budget si Erap sa CPP-NPA para banta­yan ang boto ng GO. At ang tumanggap ng pera ni Erap ay sina RC Constantino at Nathaniel San­tiago, ayon sa balita. Batid naman ng taga-MPD na si Constantino ay markadong makaka­liwa saman­talang si Santiago ay secretary-general ng Bayan, na front organization naman ng CPP-NPA. Totoo ba na hindi naman nagastos na lahat ang pera ni Erap dahil mga pagkain lang at maliliit na bagay sa opisina ang binili ng mga opisyal ng Pollwatch? Kasi nga panay mga volunteers lang ang kinuha nila para bantayan ang boto ng GO. May nagsu­nog kaya ng natirang milyon na pondo ng Pollwatch? He-he-he! Hindi ko sina­bing sina Cons­tantino at Santiago ang nagbulsa ng pondo ha mga suki!

Si Constantino naman ay namo-monitor ng military intelligence na palaging bumibisita kay Erap sa detention cell niya sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal. Pinag-usapan kaya nina Cons­tantino at Erap ang mass protest action na gaga­win ng mga kaalyado nila kapag guilty ang verdict ni Erap? Tanong lang po! Kapag natuloy ang mass protest action ng mga leftist organization kapag napa­tunayan ng Sandiganbayan na nagkasala si Erap, aba baka doon gagamitin ang natirang pondo ng Pollwatch, di ba mga suki?

Ngayon mga suki, kung ikaw si Araullo, ano ang gagawin mo sa Plunderwatch kung gagawin mong basehan ang magandang relasyon ng CPP-NPA kay Erap? Abangan!

ARAULLO

CPP

ERAP

PLUNDERWATCH

POLLWATCH

SANDIGANBAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with