Government told to provide $1.9 M for appraisal of NAIA-3
USAP-USAPAN sa
Nakarating din sa kaalaman ni Trinidad na ang tropa ni William Sy ay kasosyo ng asawa ni Dy na si Joey sa negosyo ukol sa basic commodities. At abot ’yan ng negosyanteng si Lucio Co. Kaya lalong nagkandalaiti sa galit si Trinidad dahil marami na siyang pruweba na talagang magkakutsaba ang tropa ni William Sy at Joey Dy para iligwak ang kandidatura niya para manatiling mayor sa Pasay City. Kaya walang preno na ibinando ni Trinidad sa Bandila TV news program na ipapasara niya ang Miss Universal bilang unang hakbang niya sa Hulyo 1, he-he-he! Bilang na ang araw nitong Miss Universal ni William Sy, di ba mga suki? Suportahan natin si Trinidad dito!
Sa lahat ng survey kasi na lumabas, walang sinabi si Trinidad laban kay Dy. Subalit magaling din si Trinidad dahil ang ginamit niya para makuha ang simpatiya ng mamboboto ng Pasay ay ang retrato kung saan basang-basa siya dahil sa pag-disperse ng pulisya at bumbero sa hanay nila noong kasagsagan ng kilos protesta sa suspension niya sa kaso ng basura. Tumalab ang ideya ni Trinidad na tiyak magiging mitsa naman ito sa mga negosyo ni William Sy at Joey Dy na sabungan. Ang balita, tuwing linggo na lang ang sabong sa Pasay sa last term ni Trinidad hindi tulad noon na halos araw- araw ito. Aba, pabor ito sa mga asawa ay sabungero, di ba mga suki?
Kung si Dy ay sinuportahan ng Miss Universal, aba ganun din ang ginawa nila kay acting Mayor Alan Panaligan. Ang iniabot pala ng Miss Universal ni William Sy kay Panaligan ay P200,000, di ba Jojo Baba Sir? Ang siste, natalo rin tulad ni Dy si Panaligan at… presto naiwang hilong talilong ang tropa ni William Sy at wala silang taga-depensa sa City Hall. He-he-he! Wala nang makapigil sa pagsara ng Miss Universal, di ba mga suki? Pero may depensa pang natitira ang tropa ni William Sy. Ipinapanalangin nila na tuparin ng Interior Department ang decision nila na banned from holding public office ang tropa ni Trinidad na sangkot sa anomalya sa basura. Kapag naipatupad kasi ito, pasipol-sipol na naman uli ang tropa ni William Sy. Ligtas sila sa delubyong dulot ni Trinidad.
- Latest
- Trending