^

PSN Opinyon

"My Short Essay About The Philippines"

- Jaeyoun Kim -

HINAY-HINAY lamang sa paglunok ng pagkain at baka kayo’y mahirinan. At hindi dapat ipagwalambahala ang hirin sapagkat maaaring ikamatay. Kung sa paglunok at ang flap ng cartilage na tinatawag na epiglottis ay hindi bumaba para mapigil ang pagpasok ng pagkain sa trachea (windpipe), iyan ang tinatawag na hirin. Bumara na ang pagkain sa daan ng hangin. Magkaminsan ay nagsusuka ang nahirinan at nailuluwa niya ang bagay na nakahirin subalit bihira ang ganito kaya nahihirapan siyang huminga. Agad kumilos     kung may nahihi­rinan sapagkat sa loob ng tatlo o apat na minuto ay mawawalan siya ng oxygen.

Palatandaan ng isang nahihirinan kung hawak niya ang kanyang lalamunan at hindi siya makapagsalita; kung siya ay nakikitang distressed at panicky; at kung ang kanyang paghinga ay tila ba sa isang mawawalan ng malay.

Ganito ang gawin kung may nahihirinan: Italikod ang biktima at bigyan nang limang hampas sa likod sa pagitan ng buto sa balikat. Kung hindi umubra ang paghampas, abdominal thrusts ang dapat gawin. Isalikop ang mga kamay sa katawan ng biktima sa may bahaging pusod at itaas-baba siya. Ang technique na ito ay Heimlech’s manoevre. Kung wala pa ring nangyayari sa kabila nito, tumawag na ng doctor para mabigyan siya ng resuscitation.

Kung bata naman ang nahirinan, ilagay nang pahalang at nakataob ang bata sa inyong kandungan. Tampalin siya nang limang beses sa pagitan ng mga buto sa balikat. Kung hindi umubra, itihaya ang bata, suportahan ang kanyang likod at mariing itulak pataas nang limang beses. Kung ang bata ay nawalan na ng malay, tumawag na ng doctor para mabigyan ng resuscitation. Paalala lamang na huwag gagawin ang abdominal thrusts sa batang wala pang isang taong gulang.

Mahigpit kong babala na huwag ipapasok ang inyong daliri sa lalamunan ng biktima para dukutin ang bagay na nakahirin. Lalo lamang papasok pailalim ang bagay na nakahirin at mahirap nang alisin.

BUMARA

GANITO

HEIMLECH

ISALIKOP

ITALIKOD

KUNG

MAGKAMINSAN

MAHIGPIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with