^

PSN Opinyon

Robbers kill employee

-

EPEKTIBO ang campaign pitch ng Genuine Opposition (GO). ‘‘Isang boto lang po laban sa nakaupo’’. It seems that the trend is irreversible. Dominado ng mga GO senatorial bets ang winning circle sa pag-usad ng proseso ng bilangan. Kung may intensyon man na mag­dagdag-bawas ang administration ticket, hindi naka­porma under the watchful eyes of the citizenry. Tight guarding talaga ang nangyari.

Ang pagsigla ng stock market at paglakas ng piso na halos nasa P45 sa bawat dolyar ay tanda ng kom­ piyansa ng local at dayuhang business community sa nagaganap na unprecedented reform sa sistema ng ating politika. Kahit may mga election related violence, napakaganda ng kinalabasan ng halalan. Malinis.    Pero umaaray pa rin ang nagwawaging oposisyon sa umano’y pandaraya ng kalabang ticket. Klasikong halimbawa ang Maguindanao. Balita ko’y inihahanda na ng oposisyon ang kasong isasampa laban sa COMELEC dahil sa anila’y talamak na pandaraya.

Lumantad ang isang teacher na ayaw magpakilala. Sinabi niya na walang naganap na eleksyon sa Ma­guindanao kundi pinuwersa sila ni Governor Ampatuan na I-fill up ang mga balota ng pangalan ng lahat ng Team Unity senatorial bets. Ginamit pa umano nila ang finger prints ng mga batang mag-aaral sa mga balota. Iyan daw ang dahilan kung bakit naka-12-0 ang TU sa naturang lugar. Umalma agad ang GO. Pinadedeklara ang failure of elections sa Maguindanao. Ang lagay ba naman,      dahil lamang sa ‘‘testimonya’’ ng isang taong ayaw magpabunyag ng identity ay pawawalang bisa na ang resulta ng eleksyon? Kahit sino ay puwedeng mag-akusa but proving the accusation is another thing.

Iyan ang reaksyon ni COMELEC Chair Abalos. Magpakita muna ng pru­ weba ng dayaan. Bakit umaalma ang oposisyon gayung sa pangkala­hatan, mina­masaker nila sa bilang ng mga boto ang TU? Mahigit otsenta porsi­yento na ang mga botong nabibilang na siguradong magkaka­roon tayo ng isang oppo­sition Senate. Isang Se­nado na ang tanging la­yunin ay bu­wagin ang nagha­haring adminis­tras­yon bago pa man matapos ang ter­mino nito sa 2010. Re­member — ‘‘isang boto lang po laban sa naka­upo.’’ At dahil mala­mang na ang House of Repre­sen­ ta­tive na­man ay kontro­ lado ng mga mamba­batas na ka­alyado ni GMA, sigu­ra­dong gulo ang kala­la­basan, tulad ng dati. Im­peachment   na wa­lang kahihinat­nan laban sa Pangulo na ang suma-total ay pagkapa­ ralisa ng ating bayan.

OK sana na si GMA lang ang suma­sakit ang ulo pero hindi. Taumba­yan ang nagdurusa.

CHAIR ABALOS

GENUINE OPPOSITION

GOVERNOR AMPATUAN

HOUSE OF REPRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with