^

PSN Opinyon

Chad & Jeremy, The Association concert extended

FUNFARE - Ricky Lo -

NAGKAISA ang state-firm Philippine International   Trading Corp. at si Sen. Mar Roxas para pagpahingahin ang walong milyong Pilipino na may hypertension. Ipinakakansela nila sa intellectual Property Office ang local patent ng Norvasc, ang pinaka-mabili pero mahal na gamot sa sakit. Anila dapat tularan ng Pilipinas ang gan’un ding pagkansela ng US patent ng Norvasc ng US Court of Appeals. Kung makinig ang IPO, makapag-iimport na ang PITC ng Norvasc sa ika-walo lang ng presyo nito sa bansa. Makakapag-manufacture na rin ang Filipino generic drugs makers ng sarili nilang amlodipine besylate, ang asin na sangkap ng Norvasc.

Lalabanan tiyak ng Pfizer, may-ari ng Norvasc patent, ang pagbura sa Pilipinas. Pero sa America, makalipas ang isang dekada ng bakbakan sa korte, naglaho na ang lisensiya. Pinasya ng three-man judicial panel na hindi naman pala bagong imbensiyon ang amlodipine besylate kundi hinintay na sangkap at lantaran ang kaalaman tungkol dito. Inabuso rin daw ng Pfizer ang lisensiya mula sa US Patent and Trademark Office. Dati, tatlong generics makers sa America ang nagtangkang lumikha ng sariling amlodipine besylate o katumbas na asin, pero hindi pinayagan ng lower courts dahil may patent daw ang Pfizer. Wala na ‘yun ngayon.

Binebenta ang Norvasc sa Pilipinas nang P41.41 kada 5-mg tablet. Kung burado na ang patent nito, legal na maiimport ang parehong gamot nang P5.77 lang mula India. “Hindi puwede magmintis miski isang araw lang ng mamahaling gamot ang mga may hypertension,” ani Roxas. “Kung tularan natin ang US, halos walong milyong Pilipino ang magiginhawahan.”

Sakit sa puso at vascular system ang pinaka-naka­mamatay sa Pilipinas. Nu’ng 2004, anang National Statistics Office, 342,284 ang namatay sa sakit, o morbidity rate na 428 kada 100,000 populasyon.

Nu’ng 2005 nag-import ang PITC ng pitong tablets ng Norvasc mula India, para ipa-testing sa local labs kung pareho ang sangkap ng Norvasc sa Pilipinas. Dinemanda agad ito ng Pfizer ng patent violation. Kumbaga, obligado na sa Pilipinas lang bumili ng Norvasc, hindi kung saan mura.

vuukle comment

COURT OF APPEALS

MAR ROXAS

NATIONAL STATISTICS OFFICE

NORVASC

PATENT

PATENT AND TRADEMARK OFFICE

PFIZER

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with