^

PSN Opinyon

Will this hold?

- Rey Gamboa -

NGAYON pa lang, kayong mga drug pushers, kidnappers, carnappers at iba pang sindikatong kriminal ay lumigpit na. Kung tarantado kayo, mas ‘‘tarantado’’ si Fred Lim, ang mortal ninyong kalaban na muling naluklok sa pagka-alkalde ng Maynila para kayo hambalusin at durugin.

At sana yung ibang mga talunang kandidato ay tumulad sa mga maginoong pulitiko ng Maynila tulad nina Ali Atienza, Danny Lacuna at Rudy Bacani na  maluwag sa dibdib na tumanggap ng pagkatalo sa  bagong Mayor-elect ng Maynila.

Ang panalo ni Lim ay patunay na marami pa ring mamamayan na ang hangad ay ang pangkalahatang ikabubuti ng bayan. Nung una, akala ko’y aandar ang salapi ng mga sindikatong kriminal para ibagsak ang kandidatura ni Lim, a.k.a ‘‘Dirty Harry’’. Salamat sa Diyos at hindi nangyari ito.  Malinis ang eleksyon sa Maynila sa pangkalahatan at narinig na ang hatol ng bayan.

Nang unang maging meyor si Lim, wala siyang pakundangan  sa pagkandado sa mga bahay aliwan sa Maynila at pagpipinta ng mga katagang ‘‘drug pusher’’ sa bakuran ng mga talamak na nagbebenta ng droga sa Maynila. Kaya naman katakut-takot na asunto sa paglabag ng karapatang pantao ang ibinato sa kanya.

Pero sabi nga niya, ano ang mas importante, ang karapatan ng mga kriminal o ang karapatan ng mga mabubuting taong ipapahamak nila? Korek ka diyan Meyor.

Mas  bagay na administrador si Lim kaysa mambabatas at iyan ay inaamin niya. Sana yung mga naging katunggali niya sa halalan ay puspusang sumuporta       sa kanya sa lahat ng magagandang programa para sa Maynila. At umaasa ako na ang nangyari sa Maynila    ay mangyari rin sa iba pang sulok ng bansa para sa pambansang kaunlaran.

ALI ATIENZA

DANNY LACUNA

DIRTY HARRY

FRED LIM

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with