Lim vows to resume shame campaign
SA MEDIA umaasa ang overseas Filipino workers kapag hindi dinidinig ng awtoridad ang mga daing nila. Halimbawa ang dalawang sulat na ito:
Mula kay Tomasa D.: “Pinahihirapan kami ng Dept. of Foreign Affairs sa pagkuha ng authentication ng dokumentos sa Office of Consular Affairs. Kailangang pumila buong araw para makuha ang school records. Kailangan bumalik nang tatlong beses para sa TESDA verification. At habang naghihintay, pakikitaan ka ng pagka-manhid sa serbisyo.
“In-abolish na nu’ng Disyembre ang Malacañang Authentication Office. Nilipat nu’ng Abril sa DFA ang pagtanggap ng papeles ng OFWs mula sa CHEd, DepEd, PRC, TESDA, NBI, DOH, ATO, etc. Gumulo! Dati-rati direkta inaabot ang papeles sa aplikante, tapos punta sa Malacañang para ipa-authenticate, at sa huli ay DFA. Ngayon, sa DFA lahat pinadadala at doon ang processing at releasing. Sa Malacañang noon, stub lang ang ibinibigay, at saka na kukunin ang katapat na papeles sa DFA. Ngayon tatlong oras o kaya maghapon ang paghihintay sa DFA para sa simpleng diploma o transcript, NBI clearance o professional license.
“Masdan, 4 a.m. pa lang mahaba na ang pila sa DFA offices sa Baguio, Cagayan, Mindoro, Iloilo, Cebu. Sa DFA-Pasay lahat galing ang dokumentos, pero hanggang tanghali lang ang processing.”
Mula kay Virgilio V.C. Jr.: “May bagong raket sa NAIA. Kababalik ko lang sa Africa, sakay ng Emirates Airline, mula bakasyon sa Pilipinas. Nilagyan ko ng padlock sa zipper ‘yung mga maleta kong de-gulong — para walang makapag-bukas kundi ako. Pagdating ko sa destination, laking gulat ko nang ayaw bumukas ang padlock nu’ng isang maleta nang susian ko. Ilang beses kong sinubukan, ayaw talaga. Ginamitan ko na ng pliers at screwdriver para puwersahin ang padlock. Lalong laking gulat ko nang mabatid na nawawala ang mga mamahaling pabango ko. Saka ko napansin na iba na pala ang padlock. Pinalitan ito malamang sa NAIA, kaya pala hindi na akma ang susi ko.
“Mga kabayan, pag-ingatan niyo ang mga maleta niyo.”
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).
- Latest
- Trending