^

PSN Opinyon

Cartographic sketch ng nanunog sa paaralan, inilabas ng NBI

-

KATAKUT-TAKOT na ipis at may bubwit pang kasama ang nakita ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa loob ng Auntie Anne’s resto sa Glorietta Mall, Makati City, last Tuesday.

Ang masakit pa nito habang kumakain ang mga alipores ng kuwago ng ORA MISMO, amoy basura ang nasabing tindahan porke katabi ng mga customers ang mabahong trash can habang eating sila nang masarap na food.

Inireklamo ng isang customer sa mga waiter ang nakitang ipis na gumagapang sa lalagyan ng juice drink at itinuro pa ang bubwit na gumagapang sa floor pero ang masakit galit pa si Victoria sa isang bebot na nagturo ng kababuyan ng resto.

Ayaw na sanang magreklamo ng bebot pero naasar ito sa asal na ipinakita ng masungit na waitress kaya naman nang­ gagalaiti sa galit ang pobreng alindahaw sa salbaheng serbidora.

Muntik na kasing masuka ang mga customers na nakakita ng ipis at daga sa Auntie Anne’s noong Martes sa isip nila ang kinakain nilang food at iniinom na juice ay maaaring ginapangan ng mga insekto at rat.

Sabi nga, ang baboy !

Itinawag sa Chief Kuwago ang kababuyang nangyari sa Auntie Anne’s dahil may mga kaibigan akong tsumi-tsibog sa nakakasukang resto kaya naman pinatawag ko ang isang Stanley Suva, nagpakilalang area manager ng Auntie Anne’s resto sa bida.

Walang duo, grabe ang English nito para akong nasa Tate nang makausap natin si manunuba este mali Suva pala.

Humingi naman siya ng paumanhin sa Chief Kuwago at sinasabing aayusin ang nasabing problema.

Sabi nga, kailan kaya?

Naawa ako sa mga customers na makakaranas ng kababuyan sa Auntie Anne’s resto sa Glorietta Mall,  dahil may  ibang dehins marunong magreklamo pinababayaan na lamang o pinalalampas nila ang nakasusukang pangyayari.

Payo ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana maglinis kayo ng lugar ninyo!

Ang isyu,  up to now  may hangover pa rin ang mga candidate na bumotak noong May 14 Election porke ang iba sa kanila ay hindi makapaniwala na tinalo sila ng kanilang kalaban.

Sabi nga, dinaya!

May ibang lugar sa Pinas ang dehins itinuloy ang eleksyon dahil nagkaroon ng patayan, sakitan, sunugan at dayaan kaya naman ang utos ng COMELEC.

Ano?

Failure of election sa mga lugar na nagkaroon ng panganib!

Kung kailan itutuloy ito, ang COMELEC lamang ang nakakaalam.

Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga nanalong candidates kahit dehins pa final tulad nina QC Mayor Sonny Belmonte, Senator Fred Lim, bilang mayor ng Manila,  Caloocan Mayor Recom Echiverri, Makati Mayor Jojo Binay at lahat ng mga nanalong kandidato sa buong bansa.

Sa mga natalong kandidato better luck next time! He-he-he.

Sana ang mga nanalong kandidato ay gumawa ng naayon sa batas para sa ikabubuti ng madlang people sa buong Pinas.

Ika nga, huwag mangotong at mangurap. He-he-he!

“Totoo ba ang nangyari sa Auntie Anne’s resto noong Martes ?” tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

“Siyempre babakbakan ba naman ng Chief Kuwago ito kung dehins totoo,” sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Sana inireklamo nila ang resto para napasara,” sabi ng kuwagong urot.

“Huwag marami ang mawawalan ng trabahong waiter kapag nagkataon,” sagot ng kuwagong sepulturero.

“Ano kaya ang mabuting gawin para maayos ang daga at ipis sa Auntie Anne’s resto sa Glorietta?”

“Iayos nila ang kanilang paglilinis o kaya kumuha ng magaling na pest control,” sabi ng kuwagong marinong lasing­.

“Sana huwag nang maulit ang nangyari sa Auntie Anne’s resto”

“Dapat lang !”

“Nasuka ba ang mga nakakita sa ipis at daga?” tanong ng kuwagong CO-2-10 sa Aguinaldo.

“Hindi naman kamote nandiri lang.”

“Nawalan ba sila ng ganang kumain?”

“Tiyak yon, kamote !”

“Bakit ?”

“Nandiri nga!”

AUNTIE ANNE

CHIEF KUWAGO

RESTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with