^

PSN Opinyon

Trillanes-phobia; Housing agenda ni Mike Defensor

- Al G. Pedroche -
ISANG Pinay at ang asawang Dutch national ang humiling umano kay DOJ Secretary Raul Gonzalez na pigilin ang mosyon ni Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes na makapag piyansa. Kandidato sa pagka-senador ng GO si Trillanes na nakakulong dahil sa Oakwood Mutiny. Nangangamba ang mag-asawang Anastacia Santarin at Adriaan Jager na buweltahan sila ni Trillanes at ito ang dahilan ng kanilang takot. Bumili raw ng lupa ang mag-asawa mula sa isang Estrella Pabalan, business partner ni Trillanes. Kalaunan, ang lupa ay muling kinamkam ni Pabalan sa tulong ni Trillanes. Land-grabbing ang alegasyon na pinasinungalingan ni Trillanes. Pero may mga nagpapatunay umano na talagang tumulong nang husto si Trillanes para makamkam muli ni Pabalan ang lupa sa Gloria V. Subd., Barangay Talipapa, Quezon City. Ang pananaw ng mag-asawa kay Trillanes ay isang mapanganib na taong hindi dapat bigyan ng tsansang maluklok sa puwesto ng kapangyarihan.

Hindi natin alam ang puno’t dulo ng istorya na lumabas sa mga pahayagan. Pero nakalulungkot na sa ating bansa’y totoong umiiral ang mga land-grabbers. Titulado na sa iyo ang lupa, puwede pang kunin. Ito mismo ang malaking hamong gustong harapin ni Team Unity senatoriable Mike Defensor. Katunayan, iyan ang campaign pitch ni Defensor. Ang pagkakaloob ng tahanan sa bawat maralitang Pilipino.

Bukod sa pagiging kinatawan ng House of Repre sentatives noon, minsan ding naging housing czar si Mike kaya ang programang ito ang naging malapit sa kanyang puso. Gaya ng nasabi ko, nakalulungkot ang kalagayan natin sa sariling bayan. Kahit may real property ka, posible pang mawala dahil sa mga landgrabbers na sa pakikikutsaba sa ilang hinayupak na opisyal at tauhan ng pamahalaan ay puwedeng ma-madyik ang titulo at maagaw sa tunay na may-ari. Kailangan ang batas sa proteksyon ng mga land-owners bukod sa batas para mabigyan ng disenteng tahanan ang mga squatters. Tinuran pa ni Mike ang mataas at tumataas pang mortgage in terest kaya yung mga naghuhulog sa lupaing isinanla o binili nila ay nakukuba na sa pagbabayad hanggang sa tuluyang mailit sa kanila ang kaunting lupain.

Kung papalaring ma luklok sa Senado, ito ang pangunahing legislative agenda ni Mike: Ang pagbibigay ng tahanan sa milyun-milyong mahihirap at proteksyon sa mga maliliit na nagmamay-ari ng lupa. Sa ngayon, tinatayang apat na milyong pamilyang Pinoy ang walang bahay na sarili. Marahil yung iba ay nangungupahan at yung iba’y mga squatters.

At napansin niyo ba ang pagdami ng mga taong sa kalsada na lang natutulog? Masaklap tanawin pero iyan ang nagdudumilat na katotohanan na dapat nang mabura sa ating lipunan para ang bawat Pinoy ay magkaroon ng dignidad at sense of pride na sila’y mga Pilipino.

ADRIAAN JAGER

ANASTACIA SANTARIN

BARANGAY TALIPAPA

ESTRELLA PABALAN

GLORIA V

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with