^

PSN Opinyon

‘Deadnapped for Ransom (D-F-R)’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NITONG nakaraang buwan ng Marso, ilang text messages ang natanggap ng BITAG, inirereklamo ang isang punerarya, na may mabahong amoy mula sa morgue nito sa Quezon City.

Pader lang daw ang pagitan sa bahay ng mga nagrereklamo at ng mabahong morgue, kaya sinubukan ng Bitag na kontakin ang mga nagrereklamong texters, subalit, malimit naka off ang kanilang cellphone, kaya nag-send na lang ang BITAG ng text messages.

A-disinuebe ng Abril, lumapit sa BITAG Action Center ang mag-asawang Maria Helena at Joselito Viar at inirereklamo ang isang punerarya ang HENRY MEMORIAL SERVICES sa Quezon City.

Ayaw daw ipakita ng HENRY MEMORIAL SERVICES ang bangkay ng yumao nilang pinsan na si Eduardo Limbo at halos tatlong buwan na raw silang pabalik-balik nang mamatay ang kanilang pinsan sa San Lazaro Hospital.

Wala silang kamuwang-muwang nang mamatay si Eduardo noong a-bente siyete ng Enero sa San Lazaro Hospital.

Nagparamdam daw si Eduardo sa isa niyang kaibigan sa panaginip na dalawin siya sa San Lazaro Hospital.

Ilang beses ng tinangka ng mag-asawa na makita muna ang bangkay ng kanilang pinsan na si Eduardo sa HENRY MEMORIAL SERVICES, simula noong Pebrero, ngunit lagi silang bigo.

Dahil dito, agad na nagpadala ng undercover ang BITAG, kasama ang mag- asawang nagrereklamo, upang kumpirmahin ang kanilang sumbong.

Lingid sa aming kaalaman, noong araw ding yun, na yung puneraryang inirereklamong may mabahong amoy na i-tenext sa BITAG Hotline noong buwan ng Marso ay ang HENRY MEMORIAL SERVICE na inirereklamo din ng mag-asawa.

Nang makita ni Oca si Helena kasama ang aming undercover, presyo agad ng bangkay ang pambungad nito.

Susmaryosep, Oca parang DEADNAPPING FOR RANSON O D-F-R , PAY ME THE MONEY, YOU’LL GET THE BODY. Walang pinagkaiba sa KIDNAP FOR RANSON O KFR para sa pamilya ng biktima, show proof of life, we’ll pay ransom.

Samantala, aminado ang Quezon City Health Officer sa mga paglabag ang HENRY MEMORIAL SERVICES sa kanilang Health and Sanitation.

Ang mabahong amoy na nagmumula sa morgue ng HENRY’S MEMORIAL SERVICES ay panganib sa kalusugan ng mga residenteng nakatira nakapaligid dito.

Kumakalat ang balita mula mismo sa mga residente na magkumare ang may-ari ng HENRY MEMORIAL SERVICES at ang City Health Officer na si NONETTE DIZON.

ACTION CENTER

CITY HEALTH OFFICER

EDUARDO

EDUARDO LIMBO

HEALTH AND SANITATION

QUEZON CITY

SAN LAZARO HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with