Sabi nga, Doc. John, Thank you !
Ang isyu, sumakit daw ang mga tiyan sa katatawa ang grupo ng mga ogag na kolektor sa jueteng para sa mga korap officials ng Philippine National Police dahil mali raw ang spelling ng kanilang mga pangalan matapos silang i-exposed ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong Martes sa kolum ng Chief Kuwago. Naku ha?
Talamak ang jueteng operation ngayon dahil election time kaya naman nangangamba ang madlang people na magagamit ng mga jueteng lord ang kanilang limpak-limpak na pitsa para sa mga kandidato na gusto nilang i-upo sa May 14 election upang maproteksyunan ang kanilang monkey business.
Tama ba, Pedrosa?
Si Pedrosa, sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isa sa pinakasalbaheng collector/bagman ng jueteng sa Bulacan. Ang masama ginagamit pa raw ng kamote ang name ni Bulacan Provincial PNP bossing Asher Dolina?
Naku ha, totoo kaya ito Asher?
Asher, kung true or false ang balitang ito dapat gumising ka kung natutulog ka porke ang maganda mong pangalan ang nakataya todits.
Sabi nga, hindi naman kasama ang pangalan mo sa bulilyos pero nagagamit sa bola, he-he-he!
Ano kaya ang say nina PNP bossing Oscar Calderon at Region 3 Director Lapinid sa dayaan bolahan sa Bulacan at maging sa distrito ng huli? Siyempre wala?
Bakit? Iyan ang itanong natin sa kanila?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangalan ni Oca ay gasgas na gasgas porke ginagamit ito ng isang Nieves at isang sinasabing si Baltazar (hindi kasama sa tatlong Hari) dahil sila ang kumokolekta raw ng pitsa para sa office ng Chief PNP?
Totoo kaya ito, Oca?
Gamit na gamit ang name ni Oca, hindi lang sa Crame kundi sa buong ka-juetengan daw.
Asan si Boy Tangkad?
Answer: Nagpapahinga lang kasi dehins siya ang ginagamit sa illegal gambling porke hindi niya weder ngayon.
Samantala, gamit na gamit din ang pangalan mo General Lapinid sa Region 3 porke ang mga gumagasgas naman sa’yo ay ang mga gagong sina Ben Hicban at Collector D.I Calabis, he-he-he!
Pati pala ang Office ng CIDG, ay ginagasgas din nina Ronel Orduna, Joel Cruz at Arnel Tuazon. Ayos ba mga kamote? He-he-he!
Ang tatlong itlog ang kolektor sa kabuuan. Sabi nga, national.
Sa territory naman ni SPD General Boysie Rosales, gasgas din siya at dehins din pinalusot sa intriga regarding sa jueteng isyu. Si alyas Manuela, kilala sa tawag na Allan 137-SPD, ang gumagamit naman sa butihing heneral?
Totoo kaya ito?
"Kilala kaya sila ng madlang people sa kani-kanilang territory bilang mga kolektor para sa mga amo nila sa jueteng?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Biruin mo pati Crame, hindi pinaliligtas sa intriga," anang kuwagong talunan sa sakla.
"A-10-shun Bishop Totoy Arguelles, ano na ang nangyari sa isyu ng jueteng sa Batangas? Mukhang tahimik ka, Bishop?"
"Kapos ang kolum ng Chief Kuwago, may isusunod pa. Abangan mga kamote!"