^

PSN Opinyon

Matira ang matibay!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI nang kandidato ang hindi makatulog sapagkat dalawang linggo na lamang at eleksyon na. Pipili na ang taumbayan ng mga senador, congressmen, governors, vice governors, mayors, vice mayors, at councilors.

Napakahalaga ng election sa sitwasyon ng pulitika partikular sa kalagayan ni President GMA na ang pagka-pangulo ay malaking isyu na hindi tinatantanan ng oposisyon. Naipahiwatig na ng mga kalaban ni GMA na ipag-iibayuhin na makalamang ang mga mananalong kongresista at senador para magtagumpay ang impeachment complaint.

Maliban sa isyung ito, binabantayan din ng taumbayan kung ano ang mangyayari sa kandidatura ni dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano at iba pang malapit na tauhan nina GMA at First Gentleman Mike. Inaantabayanan din ang paglaban ni Manny Pacquiao kay Darlene Antonino-Custodio.

Sinusubaybayn din ang kahihinatnan ng kandidatura ni Lt. Senior Grade Antonio Trillanes ng Magdalo na tumatakbo sa pagka-senador katulad ni Gringo Honasan. Nakalaya na si Gringo nang payagan ng Korte na magpiyansa.

At pati si Alan Peter Cayetano na tumatakbo sa pagka-senador ay minamatyagan din. Nakagawa ng pangalan si Cayetano dahil kay FG.

At tungkol naman kay House Speaker Jose de Venecia matindi ang kalaban niya sa Pangasinan — si Dagupan City Mayor Benjamin Lim. Ngayon lang nagkaroon nang mahigpit na kalaban si JDV kaya inaabangan na ito ng mga Panggalatok.

Walang makapagsasabi kung sino ang mananalong mayor sa Maynila. Naglalaban sina Alfredo Lim, Ali Atienza at Danny Lacuna.

Ilan lamang sila kandidato na binabantayan ng taumbayan. Matira ang matibay!

ALAN PETER CAYETANO

ALFREDO LIM

ALI ATIENZA

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO

DAGUPAN CITY MAYOR BENJAMIN LIM

DANNY LACUNA

DARLENE ANTONINO-CUSTODIO

FIRST GENTLEMAN MIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with