Huling payo kay Pacquiao
April 22, 2007 | 12:00am
Nagwagi na naman – panalo na naman
ang ating bayani na si Manny Pacquiao;
Talagang magaling siya sa suntukan
kaya di manalo sino mang kalaban!
Nitong huling laban nakabangga niya
mataas ang tindig at mukhang bata pa;
Nguni’t sa taktika’y walang laban siya
kung kaya nagapi nitong ating bida!
Kaya nang sumapit ang ika-8 round
kalaban ni Manny ay di nakatagal;
Dalwang beses ito na napahandusay
di na makatayo nang huling bilangan!
Kahi’t sinong boxer kay Manny iharap
sa kanyang dibisyo’y di dapat mangarap;
Ngayo’y "golden era" ng lalaking tanyag
di pa tatalunin sa taglay na lakas!
Ang pitak na ito’y laging nagdarasal
sa bawa’t laban mo’y laging magtagumpay;
Pero sa laban mong pulitika naman
sana’y huwag mo nang ituloy kabayan!
Pagka’t nagwagi nga’y posibleng ituloy
ang para sa amin ay maling ambisyon;
Ang maging congressman sa ating panahon
baka manuntok ka pag ika’y napikon!
Mga kongresistang doo’y kasama mo
tiyak sa debate’y di mo matatalo;
Ang pagtataluna’y ang pera ng tao
kung pa’no kukuni’t nanakawin ito!
Milyonaryo ka na at maraming pera
maganda ang s’werting sa iyo’y napunta
Bakit papayagang makuha ng iba
pera’t katanyagang ngayo’y hawak mo na?
Pagka’t di pinansin ang payo ko noon
itong huling payo’y ibibigay ngayon:
Kung ang nais mo lang sa baya’y tumulong
di man pulitiko magagawa iyon!
ang ating bayani na si Manny Pacquiao;
Talagang magaling siya sa suntukan
kaya di manalo sino mang kalaban!
Nitong huling laban nakabangga niya
mataas ang tindig at mukhang bata pa;
Nguni’t sa taktika’y walang laban siya
kung kaya nagapi nitong ating bida!
Kaya nang sumapit ang ika-8 round
kalaban ni Manny ay di nakatagal;
Dalwang beses ito na napahandusay
di na makatayo nang huling bilangan!
Kahi’t sinong boxer kay Manny iharap
sa kanyang dibisyo’y di dapat mangarap;
Ngayo’y "golden era" ng lalaking tanyag
di pa tatalunin sa taglay na lakas!
Ang pitak na ito’y laging nagdarasal
sa bawa’t laban mo’y laging magtagumpay;
Pero sa laban mong pulitika naman
sana’y huwag mo nang ituloy kabayan!
Pagka’t nagwagi nga’y posibleng ituloy
ang para sa amin ay maling ambisyon;
Ang maging congressman sa ating panahon
baka manuntok ka pag ika’y napikon!
Mga kongresistang doo’y kasama mo
tiyak sa debate’y di mo matatalo;
Ang pagtataluna’y ang pera ng tao
kung pa’no kukuni’t nanakawin ito!
Milyonaryo ka na at maraming pera
maganda ang s’werting sa iyo’y napunta
Bakit papayagang makuha ng iba
pera’t katanyagang ngayo’y hawak mo na?
Pagka’t di pinansin ang payo ko noon
itong huling payo’y ibibigay ngayon:
Kung ang nais mo lang sa baya’y tumulong
di man pulitiko magagawa iyon!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended