Maaaring magka-appendicitis ang lalaki at babae at kahit anong gulang maliban sa mga bata na wala pang dalawang taong gulang. Pinaka-karaniwan na nagkakaroon ng appendicitis ay ang mga kabataang lalaki at babae na may edad 25.
Ang sintomas ng appendicitis ay ang pananakit ng tiyan na nagsisimula sa may bahaging pusod at gumagapang sa kanang bahagi o right iliac fossa. Matindi ang mararanasang sakit at lalong matindi kapag inuubo o kung humihinga nang malalim. Makararanas ng pagsusuka, pagtatae, lagnat at pagkawala ng lasa. Maaaring manigas o mamaga ang tiyan.
Nararapat kumunsulta agad sa doctor ang sinumang may sintomas ng appendicitis. Hindi dapat ipagwalambahala ang ganitong kalagayan.
Isasagawa ng doctor ang pag-opera o ang tinatawag na appendicectomy sa pasyente.
Kapag hindi agad naisagawa ang pag-opera at napabayaan ang appendicitis, puputok ito at magkakaroon ito ng nana o magiging gangrena. Kakalat ang mga pumutok na laman ng appendicitis at maiimpek- siyon ang peritoneal cavity at maaaring ikamatay ng pasyente. Ang pagputok ng appendix ay kadalasang nangyayari sa mga may edad nang pasyente.