Ang ‘gun runner’ na Pasay police colonel
April 11, 2007 | 12:00am
DALAWANG gabing nakalipas nang lumabas sa kanilang late evening news sa isang "higanteng" TV Network, mga batang pulis ng Pasay City, naaresto ng kanilang mga kabaro dahil sa pagbebenta ng mga baril.
Ang balitang ito ay mula sa eksklusibong operasyon ng pinagsanib na pwersa ng BITAG at MISSION X, kasama ang Regional Operations Group o RSOG ng Region 4.
Habang nasa bakasyon pa rin ang mga kababayan natin noong Abril 9, tahimik na tinatrabaho ng BITAG at MISSION X ang isang Police Colonel ng Pasay City.
Nakipag- transaksiyon ang aming undercover sa target naming police colonel. Ipinagmalaki nitong si kolokoy sa ginamit naming undercover, kung sinu- sino nang hestas, hudas at barabas na pulitiko ang kanyang mga kle yenteng napagbentahan ng mga "high powered fire arms" nang patago.
Subalit may kutob kaming nakatunog yung aming target. Dahil nung nakahanda na ang "buy-bust operation", biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Ayon sa isang "insider na asset", umatras na ang kolokoy na si Colonel at sa halip, ang nakipag transaksiyon sa aming undercover ay yung kanyang mga bagitong PO1 na mga tauhan. Sila ang nahulog sa aming BITAG.
Nagkaroon ng konting habulan sa toll gate, papasok ng Susana Heights sa Muntinlupa sa pagitan ng mga "battle ready" Regional Mobile Group o RMG Region 4 at mga suspect gamit ang kanilang sasakyang Honda CRV.
Nang maabutan ang mga suspect, nagmukhang mga kriminal ang mga bagitong pulis ng Pasay at isang pulis ng Traffic Management Group (TMG). Pinadapa ang mga ito na halos humalik na sa lupa makaiwas lang sa mga camera ng MISSION X at BITAG.
At ang kolokoy na Police Colonel ng Pasay, mensahe namin sa’yo hindi mo pa oras ngayon. Umpisahan mo na ang pagbabago. Tigilan mo na ang iyong gun running business sa mga private army ng mga puli-tiko. Hindi kami nagbibiro Colonel.
Buong detalye panoorin ngayong Sabado, Abril 14. Abangan!!!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest