^

PSN Opinyon

Valenzuela City Central High School

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PINITIK ng mga kamote ang cell phone habang kumakain ang anak ni Boy Isuzu ang kaibigan ng Chief Kuwago sa Jollibee, Niog, Bacoor, Cavite noong Abril 2 in the morning.

Nanggagalaiti sa galit ang pamilya ni Boy Isuzu nang mawala ang cell phone ng kanyang anak.

Sana kamote mabusog ka sa ginawa mong kagaguhan.

Ang isyu, may nabuko ang mga kritiko ni dating Valenzuela City Mayor Bobbit Carlos kaya panibagong gago, este mali dagok na naman ito sa kanya.

Sinasabing illegal at may overpriced daw ang pagpapatayo sa Valenzuela City Central High School.

Naku ha?

Binili ni Bobbit ang tatlong bahagi ng land kay Manuel Co, owner, para pagtayuan ng new building ng pamahalaang lungsod gamit ang Resolution No. 283, series of 2003.

Pero sa dehins malamang dahilan, ang itinayong building ay VCCHS imbes na gusali ng pamahalaan.

Naku ulit!

Sabi ng mga tsimosong kritiko ginawa raw ito ni Bobbit dahil mas maraming grace mula sa kaban ng lungsod kung school building ang itatayo imbes na city hall.

Magkano raw?

Sa kuwenta ng mga kritiko ni Bobbit mahigit P31 million ang kinita raw ng una at ng R.C. Construction, ang builder.

Totoo kaya ito?

Ayon sa kritiko ni Bobbit galing sa source nila sa DPWH ang pagpapatayo ng three floors na gusali ng school na may nine rooms ay mahigit lamang sa isang million kada kuwatro este mali kuwarto pala.

May 15 classrooms ang VCCHS kaya dapat P17,515,000 lamang ang halaga nito.

Nakasaad naman sa appraisal ng isang kilalang construction firm na ang gusaling itinayo para sa VCCHS ay nagkakahalaga lamang ng P17,889,974.07.

Ang problema, sumingil daw ang R.C. Construction ng P48,574,907.88 para sa pagtatayo ng gusali.

Ang nasabing halaga ay itinaas pa nila umano sa P48,813,612.79.

"Sakit sa ulo ang kuwenta," anang kuwagong kubrador ng jueteng.

"Siguro dapat sa Korte na lamang dalhin ito para sa tamang forum," sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.

"Nasabay pa sa election ang problema ni Bobbit?" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Maapektuhan kaya si Bobbit sa isyung ito?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"’Yan kamote ang abangan natin."

BOBBIT

BOY ISUZU

CHIEF KUWAGO

MANUEL CO

NAKU

RESOLUTION NO

VALENZUELA CITY CENTRAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with