^

PSN Opinyon

Papalit-palit Paba-GO-ba-GO

- Al G. Pedroche -
DON’T change horses in midstream. Isang matandang kasabihan na ang ibig sabihin ay sa kalagitnaan ng labanan, huwag magbabago ng estratehiya o taktika. Kasi, kung nasa gitna ka ng ilog at sumakay ka sa ibang kabayo, baka mahulog ka at malunod.

Iba ang Genuine Opposition (GO). Lagi silang nagpapalit ng estilo, estratehiya, pati na ng namamahala sa kampanya. Sa gitna ng political campaign, ang pangangasiwa sa kampanya na dating hawak ni Mayor JV Ejercito ay inilipat kay Sen. Serge Osmeña. Pati headquarters ng GO ay inilipat sa Makati mula sa Mandaluyong.

Hindi nga ba ang GO ay dating UNO o United Opposition na ginawang Grand Coalition bago ginamit ang kasalukuyang pangalan?

Sa pagpasok ni Osmeña, pati campaign strategy ay nagbago. Dati, binibigyang importansya ang direktang pakikisalamuha sa mga botante na pinalitan ngayon ng exposure ng mga kandidato sa media tulad ng print, radio at telebisyon. Dati-rati, bago umentra si Osmena, sama-sama ang mga senatoriables ng GO sa pangangampanya. Ngayon ay kani-kaniya na sila nang diskarte.

Kakatwa na pati logo ng GO na may modified illustration ng watawat pero nasa itaas ang kulay pula, as if nagdedeklara ng digmaan. Sabagay, may deklarasyon yata si Osmeña na ang GO ay nasa state of war. Iyan daw ang bagong battle cry ng GO. Taliwas na taliwas ito sa slogan ng Team Unity (TU) na Tulong-tulong sa Pagsulong. Iyan mismo ang dahilan kung bakit tinanggap sa ticket ang mga dating oposisyunista gaya nina Tessie Aquino Oreta, Tito Sotto, Joker Arroyo at Ralph Recto.

Dahil sa kaguluhang ito sa ranggo ng GO, duma- dausdos ang rating nito habang umaariba naman ang Team Unity. Hindi katakataka.

vuukle comment

DATI

GENUINE OPPOSITION

GRAND COALITION

IYAN

JOKER ARROYO

OSME

RALPH RECTO

TEAM UNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with